Chapter Eight

71 7 0
                                    

Chapter Eight

"Atarah, pasuyo nung number 15."

Ang bilis kong kumilos para buhatin iyong may number na 15 sa mga magpipick up ngayon. Kumurap kurap ako dahil pakiramdam ko lutang ako ngayon. Hindi kasi ako masyadong nakatulog at pilit kong iniisip ang sinabi ni Casper.

I mean, is he really serious?

Kasal iyon binitawan nya, malaking responsibilidad iyon. And he just like me, hindi pa malalim. I sighed.

Naglakad nalang uli ako pauwi nang magsara na ang shop. I was biting my lower lip as I stopped myself from thinking about Casper. Una dahil tahimik na ang buhay ko ngayon, maayos ako.

May bumusina uli sa akin kaya nagulat ako at tila bumalik sa sarili nang marinig iyon. I looked back and saw Casper again. Nakakunot na ang noo nya ngayon.

"Bakit ka naglalakad?"

"Kasi gusto ko?"

"It's too dangerous, Atarah."

I sighed. "Diba sabi ko, kaya ko ang sarili ko."

"Atarah." Aniya. "Halika na, ihahatid na kita."

He didn't let me speak, tumalikod sya at pinagbuksan pa ako ng pinto para hindi na ako maka-hindi. Tahimik akong sumakay doon.

"Kanina pa kita sinusundan. Gabi gabi mo ba itong ginagawa?"

Tumango ako. "Pero, sumasakay ako minsan."

"I will pick you up every--"

"Ayoko. Busy kang tao, ayoko makaabala."

"Damn it, Atarah." Mahina nyang sabi.

Wala nang umimik sa amin hanggang sa makarating sa bahay. Alam ko naman na tsinitsismis na ako ni Tita Anet dahil gabi gabi nandito si Casper sa bahay. Pero wala akong pakialam sa kanya.

"Casper, pagod na ako."

"Sabayan mo kong kumain. You will be needing a lot of energy."

"Casper, kasi...okay, sige."

Ready na uli sya para sa emergency light, hindi ko nagamit ang rechargeable fan dahil malamig naman kagabi. Inayos nya ang pagkain sa lamesa.

"Have a seat,"

Sa totoo lang, hindi na ako sanay na may kasamang kumain. Eversince Lola died, I was all alone. Si Jaira, minsan lang umuwi.

"Okay na to, Casper."

"Kumain ka lang, madami to." Aniya sa kaswal na boses.

I stared at him, naramdaman nya ata kaya bumaling din sya sa akin.

"May gusto ka ba?"

Umiling ako. "Hindi mo naman kailangan gawin to pero thank you."

"I'm serious, Atarah..."

Ngumiwi ako. "Same pa din ang sagot ko."

"Hayaan mo nalang akong samahan ka dito. In that way, kampante ako na ayos ka talaga."

"Casper, hindi na ako bata. Namatay lang si Lola pero ayos ako."

"Ssh.. just eat."

Both of us fell silent as we eat, ewan ko pero panaka naka akong nakasulyap sa kanya. Iniisip ko na ayaw kong maging pabigat sa kanya.

"Mag iipon ka ba ng tubig ngayon?"

"Hindi..."

He nodded and started to clean the mess. I sighed.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now