Chapter Eleven

81 9 0
                                    

Chapter Eleven

Isang buntong hininga ang ginawa ko nang natanaw na ang labas ng bahay. And again, there's no Casper for tonight. And I should be used to it. Ito yung ayaw ko, yung nasanay na ako sa presensya nya tapos bigla syang nawala.

For the whole record, Ayos ako. Ayos ako ng ako lang.

Why did he needs to ruined everything?

Humithit ako sa sigarilyong hawak ko at tinanaw ang nasa harapan ko. Muntik na nga akong masamid nang matanaw kong pumasok sa may gate si Chichay at nakairap na dahil nakita nyang nagyoyosi ako.

"You look like a bitch."

"Mas bitch ka pa din." Tinabi ko ang sigarilyo pero tinapakan nya iyon. "Chichay!"

"Hindi maganda sa katawan ang sigarilyo."

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Wala lang." Aniya. "Sa susunod na araw na yung kasal ni Primrose. May susuotin ka na bang damit."

"Meron pa naman."

"Okay. Dumaan lang ako para imake sure, anyway hindi na kita kukulitin kasi alam kong pagod ka sa trabaho mo."

Hindi ako nakapag react nang yakapin nya ako.

"Wag kang magsigarilyo."

"Isa stick lang."

---

Bumalik ako sa routine ko mismo sa mga sumunod na araw. I quit thinking about him, baka nga naisipan na noong tumuloy sa Germany. Di mas mabuti!

Ang bilis kong napaahon nang mabasa ang isang text na galing sa inapplyan ko before. Naghalf day ako sa trabaho kasi dinaanan ko iyong interview. Mabilis lang iyon at na babalik nalang daw sa exam.

Ikinabit ko na iyong ribbon sa buhok ko dahil kanina pa tawag ng tawag si Chichay sa akin. As if naman pati kasali kami sa entourage ni Primrose, eh bisita lang naman kami.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng simbahan at hinanap ko si Chichay, pero halos matigilan ako ng magtama ang mata namin ni Casper. Nandito pa sya? At teka, imbitado din sya?

"Huy."

Napakurap ako nang marinig si Chichay hindi kalayuan sa akin. Umiwas ako ng tingin kay Casper at agad na tumabi kay Chichay.

"Bakit nandito si Casper?"

Tumaas ang kilay ni Chichay sa akin. "Obviously, family friend. Hello, kaya nga nandito ako diba?"

Tumango nalang ako at binalingan ang dalawang nasa unahan. Sabay sabay kami lumaki nina Primrose dati, at alam ko kung gaano sya mahalin ng mga pinsan dahil hindi naman lihim na sya ang pinaka bata sa mga Lausingco.

I suddenly became uneasy but I choose to ignore it.

Seryoso lang akong nanunuod sa kung paano magsabihan ng vows ang dalawa. Pumalakpak kami nang matapos na ang kasal at dineklara na silang mag asawa. Hinila ako ni Chi para personal na batiin ang dalawa. Nabati ko din tuloy sina Tita Gina.

Inakbayan ako ni Inad at pinisil ang balikat ko.

"Sa amin ka na sumabay."

Abala pa ang mga Lausingco sa picture taking pero nauna na ang ilang bisita sa reception area, sa may bahay kubo ni Yolly Lausingco. Tahimik lang akong umupo sa table na napili habang abala si Chichay batiin ang ilang Zarsuelo doon.

Pinasadahan ko ng mabilis na tingin ang kabuuan at napansin si Casper na may kausap na babae sa gilid.

"Hay naku, nakakapagod makipag-plastikan." Umupo at humawak sa akin si Jaira.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now