Chapter Nineteen

90 12 1
                                    

Chapter Nineteen

I haven't had the chance to talk to Casper, pagkatapos nya kasing sukatan ay nagpaalam na sya kay Chichay. At alam ko din na mang uusisa ang dalawa kaya pagkatapos namin sa RivAdie ay dumiretso kami sa nail salon.

"Bakit?" Tanong ko kay Chichay.

"Wala lang." Umismid sya. "Parang wala kayong pinagsamahan ha?"

"Ano ka ba naman, Chi. Ang ingay mo." Si Jaira.

I kept my mouth shut. Actually I wasn't expecting that Casper will be the same with me after ghosting him.

"Naka-move on naman na si Atarah. Right?" Tinagilid ni Ja ang ulo nya sa akin.

I smiled and nodded.

"Okay." Kibit balikat lang ni Chichay.

"Teka, his dating Rafaela ba?" Si Jaira.

Umayos ako ng upo para mas comfortable ako dito habang inaayos ang kuko ko.

"I don't know."

Nagdinner kami sa labas noong dumating si Inad. Tinanong pa nila kung nasan si Casper and I kept cool about it.

"Kelan ka luwas pa-Lucena?"

"Saturday? May pupuntahan lang ako."

"Sasamahan sana kita kaso may work na. Will you be okay here?"

"Dito lang muna ako sa condo, bukas nalang ako lalabas."

"Okay, alright."

Nagpaalam na si Jaira na papasok na sa trabaho. Nanuod nalang ako ng kdrama pero mabilis akong nainggit sa mga kinakain nila kaya ending lumabas ako para maghanap ng korean store dito.

Pagkapasok ko sa loob, lumapit agad ako sa mga noddles doon. Kinuha ko lahat ng gusto kong kainin, binayaran at lumabas. Sa coffee shop naman ako pumasok at nag order agad, tapos na ako magbayad nang makita ko si Casper sa tabi ko.

Tinanggap nya ang kape. I smiled at him again at tinanggap na din ang kape ko. Tumalikod na ako at huminga ng malalim.

Nasa malayo na ako pero nahagip ko pa din ang pagsalubong ni Rafi kay Casper. I sighed and continue walking. Okay lang yan, Atarah.

---

Plano ko sanang makausap si Casper for closure. Walang ibang ibig sabihin. Alam ko din na makapal ang mukha ko para hingiin ito sa kanya pero gusto ko sana itry. Kung ayaw nya ng closure ay okay lang din naman sa akin. Ako nalang iiwas para hindi kami magkita kung maaari.

May small engagement party sina Inad at Chichay sa Lucena. Grabe iyong ilang ko noong pumasok ako sa bahay nina Chichay. I saw her family. Nagmano agad ako kina Tito at Tita.

"Atarah." Rafi called me.

"Hi, Rafi." I kissed her cheeks.

"Nandito ka na pala."

"Ah oo, nalimutan ko sabihin sayo." Tumikhim ako. "Batiin ko lang sina Inad."

I tapped her shoulder. Nga lang hindi ako handa kasi katabi nina Chichay iyong magulang ni Casper na binabati ata sila. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Atarah! Ang tagal mo!" Reklamo ni Chichay kay napatingin sa akin ang mga kausap nya.

Napalunok ako nang pasadahan ako ng tingin ni Carol Rosales. I kissed Chichay and Inad's cheeks.

"Congrats uli."

Nagtama uli ang tingin namin ni Carol Rosales, she smiled and hugged Chichay.

"Ma, may table na tayo." Lumapit si Casper.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now