Chapter Eighteen

95 10 0
                                    

Chapter Eighteen

Nakailang tunog na ang cellphone ko pero hindi ko pinansin iyon. It's been a month since Casper left for Germany and I'm ignoring him. Nagtatanong si Chichay sa akin kung bakit pero sabi ko busy lang sa trabaho.

Bumalik ako sa daily routine ko, gigising, magtatrabaho, uuwi ng wala ng ineexpect na tao. Tinuloy ni Casper ang promise nyang mag a-update sa akin lagi, but I don't reply to any of them...Hindi tanga si Casper, I know he knew that by this time, wala na.

"Atarah."

Saktong kakatapos ko lang sa trabaho nang tawagin ako ng head namin.

"Tapos ka na ba sa trabaho mo? Pwede ba kitang makausap?"

"Opo Ma'am."

Sa opisina nya kami pumasok, pinaupo nya ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mangyayaring usapan na ito. May posibilidad na baka matanggal ako sa trabaho dahil hindi naman ako perpekto.

"Atarah, nakausap ko kasi ang boss namin...bale naghahanap daw ang Lausingco Hotels ng ipapadala sa Cruise ship para sa training. Kako, naisip ko lang na baka gusto mo? Nabanggit mo kasi sa akin dati na gusto mong mag abroad?"

"Totoo po?"

"Yes. Dalawa kayong napili na ipahiram sa Lausingco Hotels para dito."

"Hindi po ba dehado sa expenses?"

"Sagot ng Lausingco Hotels ang mga expenses nyo, lahat lahat."

Halos tumalon ang puso ko sa narinig.

"Maraming salamat po, Ma'am."

"Kinagagalak ko na nakatulong ako sayo. Nakikitaan kasi kita ng potential at sana pagbutihin mo."

Abala ako sa ginawang mga requirements, kumuha na din ako ng passport at ng iba pa. Nagpapasalamat din ako na sagot na ng Lausingco Hotels ang mga gastusin para naman hindi na ako mahirapan sa iniipon kong pera.

Nakilala ko na nga din ang may ari ng Lausingco Hotels, mabait ito at talagang binilinan kaming dalawa ng kasama ko na medyo mahihirapan kami pero walang problema sa kin. Ito na kasi iyong hinihintay kong opurtunidad na makaalis dito at maging successful.

"Jaira." Nandito sya ngayon sa bahay ko. "Aalis na ako next week."

"Saan ka? Susunod ka na ba kay Casper?"

Umiling ako. "Hindi, sa cruise ship. Isa kasi ako sa napili ng Lausingco Hotels para dun."

"Bakit ngayon mo lang sinabi!? Alam na ba ni Chichay?"

"Hindi pa. Sayo ko palang nasasabi. Kasi gusto ko sana ibilin itong bahay sana?"

"Ako bahala dito sa bahay mo. Pero...kamusta kayo ni Casper?"

"Okay naman."

"Hindi mo na sya kinakausap diba...anong sabi nya?"

"Wala. Nagmessage ako sa kanya one time, pero hindi na ako nag expect ng sagot."

"Atarah... Mahal na mahal ka nun."

I nodded. "Basta, bisitahin mo itong bahay ha."

"Ilang taon ka?"

"Hindi ko pa sigurado. Mag iipon ako para pag uwi ko, mapaayos ko na to."

Tumango tango lang sya. At nararamdaman kong gusto nya pang magtanong sa akin tungkol kay Casper pero hindi na nya tinuloy.

Ang tagal ko na ding hindi nirereplyan si Casper, hindi nakikibalita sa kanya. At sa tingin ko, may hint naman na sya.

Hindi ko natupad ang pangako kong assurance sa kanya na hihintayin ko sya. Dahil gusto kong magpakalayo na at gumawa ng hakbang para mas maging successful na ako. Hindi na din ako maghihintay sa kanya dahil siguro pagkatapos ng ginawa ko, wala na akong karapatang hintayin pa sya.

Matcha Latte (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon