Chapter Sixteen

87 11 0
                                    

Chapter Sixteen

"Goodluck, Atarah."

Ngumiti ako kay Miss Edna at nagpasalamat. She interviewed me again at sabi nya nga sa st. Jude coop hotel ako ia-assign.

"Thank you po."

"Siguro next week, okay na."

Tumango ako at lumabas na. Huminga ako ng malalim kasi finally okay na. May trabaho na uli ako. Ang aga ko nagising para dito at na hindi ko pa nirereplayan si Casper dahil hindi ko alam kung paano sya haharapin.

We kissed. We fucking kissed, at parang wala lang sa kanya, samantala halos mawala ako sa ulirat at hindi makatulog dahil doon.

I am fully aware na gusto ako ni Casper, pero baka kasi spur of the moment lang lahat.

"Atarah, okay na uli iyong submeter."

"Po?" Nagulat ako sa salubong ni Tita Anet sa akin.

"May kuryente ka na, five thousand iyong binayaran ni Casper para sa five months."

Binagsak ko agad ang tingin ko sa cellphone ko.

"Sige po."

Pumasok ako sa loob at tinawagan si Casper, nanibago ako kasi pagkabuhay ko ng electric fan ay umandar na iyon. I pouted.

"Casper!"

"Easy. What is it?"

"Bakit hindi mo muna sa akin sinabi? Babayaran ko iyong five thousand."

"Alright, if that's what makes you feel okay."

"Ayos naman ako eh."

"I want you to be comfortable."

Ngumuso ako at nakipagtitigan sa electric fan.

"Atarah?"

"Basta babayaran ko ha."

"Oo na nga. Para hindi ka na magalit." Tumawa pa sya. "How's the interview?"

"Okay na. Next week start na ako."

"That's good. But I need to go, punta nalang ako jan mamaya."

I sighed again as I stared at my phone. Sumandal pa ako sa sofa at pumikit. Why did I deserve him? No, let me rephrase it. Did I deserve this treatment from Casper?

At dahil may kuryente na ako, medyo nag aadjust ako dahil matagal tagal din akong walang kuryente. Nakapaglinis na ako ng buong bahay bago ako natulala sa makina ni Lola Lila. I suddenly missed her, I wonder if she's happy now.

Naligo ako at nahiga sa sofa para abalahin ang sarili ko sa pagcecellphone. Nagtext si Rafi na mag eextend ang stay nya kasi may reunion daw sila at na baka bumisita sya uli dito. Wala namang problema sa akin, sa nanay nya siguro meron?

May kumatok sa pinto kaya ang bilis kong napatayo. I saw Casper with a mcdo paper bag. Inismidan ko sya, pumasok naman sya.

"Kain tayo." Sabi nya pa. "Nagagamit mo na yung electric fan mo."

"Hindi mo sinabi sakin to."

"Gusto ko lang na maging komportable ka dito." Nilapit nito ang ala king chicken fillet sa akin.

"Casper, babayaran ko to ha."

"Sure."

Sabi nya, magstay daw sya uli at tatapusin ang ginagawa nya.

"Yes? I already read the files. Not sure." Sumulyap sya sa akin. "Di naman sa malayo ang Germany... Sige, pinag iisipan ko kasi."

Tumayo ako at pumasok sa kwarto para hindi awkward sa kanya na naririnig ko iyong usapan nila nung kausap nya sa cellphone.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now