Chapter Five

73 5 0
                                    

Chapter Five

My mind was clouded as I was staring at Lola's coffin. Inakbayan pa ako ni Chichay.

"Ako na bahala kay Lola. Gusto mo bang kumain?"

Umiling ako. "Mamaya na siguro, Chi."

Hindi ko man lang napansin na may iniinda na si Lola. Hindi ko man lang naramdaman na nahihirapan na sya dahil kapag tinatanong ko sya, ngingiti lang sya at sasabihin na okay lang sya.

Yumuko ako nang dumating si Tita Matet. Dumiretso sya kay Lola.

"Atarah." I saw Marella and she hugged me. "Everything will be okay."

I nodded at her. Inasikaso ko sila at binigyan ng pagkain.

"Naayos ko na ang paglilibingan ni Mama, Atarah."

"Opo, Tita."

Noong sinabi ko sa kanila na wala na si Lola, alam kong sisisihin ako ni Tita Matet. Hindi nya sinabi pero alam kong iyon ang pinaparating nya.

Tahimik lang ako sa libing ni Lola. I was staring at her real hard, ayokong malimutan ko sya. Tinulungan pa ako ni Chichay ayusin ang mga damit ni Lola.

"Atarah?"

"Kain tayo. May pagkain ba?"

"Papunta si Inad, may dalang mcdo. Susunod daw si Jaira."

I nodded and continue folding Lola's clothes. It's been a week since she left me, minsan ay naririnig ko pa din ang tunog ng makina nya kapag mananahi sya pero lahat iyon naiwang ala ala nalang.

Balik school na pero hindi na ako pumasok. Ano pa bang sense? Wala na si Lola. Nagkulong lang ako sa bahay at nag ayos doon. I was calculating my expenses.

"Atarah, sinisingil na kasi iyong bayad sa kuryente."

I nodded and hand out a one thousand bill. Last pera ko kaya pero may mga natago pa naman ako. Hindi ko lang inaasahan ang perang nakatago sa ilalim ng damitan ni Lola. Hindi kalakihan pero sapat na para sa akin. There was a letter for me.

Umiyak na naman ako habang binabasa ko iyon. It was a goodbye letter from Lola, sinasabi nya sa letter na sana ay maging matatag ako balang araw at na sana maging masaya ako sa oras na mawala na sya.

Months had passed, walang nagbago. I stop communicating with other people, I stay inside our house and to have a self pity. Nagagalit na nga si Chichay kasi hindi daw ako lumalabas. I congratulate them after the graduation. Nanghihinayang si Chichay pero sabi ko ayos lang, na makakahanap ako ng trabaho para sa sarili ko.

"I got an offer sa Makati!" Balita nya isang araw na tumambay sya sa bahay.

"Congrats!"

"Excited na ako!"

Kinamusta nya din ang paghahanap ko ng trabaho. Sabi ko na on process pa. Panay ang bilin nya sa akin noong umalis na sya sa Lucena. Inad also got an offered.

And again, I was left alone in Lucena. It is not a big deal.

Tumango lang ako kay Tita Anet nang alisin na nya ang pagkakabit ng submeter sa kuryente nila. Kakagaling ko lang sa paghahanap ng trabaho ngayon.

Isa pa, walang tubig kaya nakisuyo ako uli sa kapitbahay kung pwedeng makihingi ng tubig. Pagkatapos ay nagsindi ako ng kandila para sa akin. Nakahiga na ako at nakikipagtitigan sa kandila hanggang mawalan na ng sindi iyon.

As the darkest filled the whole room, my tears started to fall. Namimiss ko na si Lola. Gabi gabi nalang akong may self pity, gabi gabi umiiyak sa hindi naman dapat iniiyakan. Umalis na ng bansa sina Tita Matet after Lola Lila died.

Matcha Latte (Coffee Series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz