TC 016: The Time Has Come

78 15 7
                                    

Huwag pong kalimutan na mag LEAVE ng vote and Comment! Thanks!


——-+++++——-


Habang inililigpit nila Elesis, Edel, Lyre at Arme ang kanilang mga kalat sa inupahan nilang rest house ay tila hindi sila nagkikibuan sa isa't isa. Lahat sila ay may kanya- kanyang ginagawa hanggang sa basagin ni Lyre ang kanilang katahimikan.


"Edel, pwede ba ako magtanong?", lakas loob na wika ni Lyre kay Edel na abala sa pagpupulot ng mga kalat sa sahig. Hindi na nito naiwasan ang pagtatanong dahil sa kanina pa nangangati ang dila nito na magtanong tungkol sa kanya.


"Uhmm... Edel, may gusto ka ba kay Dio?", mabilis na turan nito kay Edel na siya namang ikinabigla nito at inihinto ang kanyang ginagawag pagpupulot ng kalat.


"Ba- bakit mo naman natanong yan Lyre?", utal na saad ni Edel mula dito at pilit na pinapakalma ang sarili na huwag itong makahalata na naaapektuhan siya sa mga sinasabi nito.


"Kanina kase napansin ko lang na tila ikaw lang ang hindi natutuwa dun sa ginawa ni Amy kanina. Ako na ang humihingi ng pasensya mula dun sa ginawa niya kanina. Ako na ang humihingi ng despensa sa ginawa ng kaibigan naming", turan ni Lyre mula dito na siya naman nitong ikinabigla.


"Ano ka ba? Okay lang yun! At hindi ba dare yun? Kaya ginawa lang ni Amy ang task niya", saad nito na pilit na ngumingiti sa harapan nito kahit na ramdam nito sa kanyang sarili na totoong nasasaktan siya sa nangyaring iyon.


"Sigurado ka? Ayaw ko kaseng nagkakaproblema pa tayong lahat eh. Alam ko naman na hindi niyo ganun ka- close si Amy dahil sa pagiging intrimitida  nito sa inyo pero kung makikilala nyo lang ang tunay na Amy ay sadyang napakabait nito", saad nito kay Edel na tila gulat pa rin sa tinuran ni Lyre mula sa kanya.


"Ahh... Ganun ba? Sige akyat na ako sa taas, matutulog na ako. Bukas na lang natin 'to tapusin", pag- aanyaya ni Edel kay Lyre mula dito.


——-+++++——-


Isang babae ang humahangos na bumaba mula sa kanyang kwarto at mabilis nitong kinuha ang kanyang telepono mula sa kanyang bulsa at dahan- dahan nitong dinial ang numero ng mga pulis. Ring lang ito ng ring hanggang sa may narinig itong boses na tanda na may nakakuha na ng kanyang tawag.


"Hello, sino 'to?", saad ng taong nasa kabilang linya.


"Police station po ba 'to?', pagtatanong nito mula sa kabilang linya.


"Oo, bakit? Ano bang ipaglilingkod ko sa'yo?", saad ng isang boses mula dito.


"Kilala ko na po kung sino ang pumatay sa kaibigan kong si Ley. Pumunta po kayo dito sa address ng rest house na itetext ko sa inyo", sunud- sunod na wika ng babae sa kabilang linya.


"Ahhh... Cge, sino ba yung tinutukoy mong pumatay sa kaklase mo", turan ng tao sa babaeng tumawag nito sa kanila.


"Si—


"Sinong kausap mo dyan", saad ng isang boses mula sa likod ng babaeng tumatawag sa telepono. Agad na sumiklab ang galit ng babae ng makita niya kung sino ang taong nasa likod niya.

The CollectorWhere stories live. Discover now