TC 012: Where Is He?

365 86 36
                                    

Habang papaalis na ang van ay bakas pa rin sa mga natitirang estudyante ang takot nila. Hindi nila akalain na isa na sa kanila agad ang namatay. Iniisa isa na sila ng killer. Wala na itong palalagpasin pa. Hindi siya titigil hangga't hindi sila nauubos at nakukuha ang gusto nito.

Lahat ay tahimik sa van. Walang gustong umiimik o magsalita man lang sa mga nangyari sa kanila. Binabagtas na nila ngayon ang daan papauwi sa kanila. Ngunit isang tao ang tila nag- aalala sa kanyang kapatid.


Si Edel.


Pag- uusap nila Edel at Emil bago siya umalis.


"Hoy! Hindi ka sasama sa amin? Magbihis ka na at baka mahuli pa tayo", hila ko sa kanya sa higaan dahil tulog pa pala ang mokong na ito.


"Hindi ako sasama Ate. May usapan din kase kaming magkakabarkada na may pupuntahan din kaming lakad. Naka- OO na kase ako sa kanila ee", sabi nito sabay hikab na Parang inaantok pa at balik ulit ito sa higaan niya.


"O, sige, basta mag ingat kayo aa. Huwag na huwag kayong maghihiwalay", sabi ko sa kanya dahil nag aalala din ako sa kapatid ko kahit medyo pasaway ito ng konti.


"Ate...", sabi nito sa akin na may Tonong seryoso at parang iba ang dating sa akin nun.


"Bakit?", sabi ko sa kanya dahil Baka manghihingi lang ito ng baon sa akin dahil baka naubos na naman ito sa kakabili niya ng kung anu anong libro.


"Wala lang. Ingat ka din aa. I Love You din Ate", sabay tayo nito at niyakap niya ako na aking ikinabigla. Hindi siya ganito. Parang iba talaga siya. Parang may tono ng pagpapaalam.

"Oo naman ako pa! O, sige ito na baon mo. Mang uuto ka lang na naman ee", sabi ko Sabay abot ng pera sa kanya.


"Galing mong manghula Ate aa. Sige ingat Ate!", at bumalik muli ito sa kanyang higaan at ipinagpatuloy ang pagtulog nito.


*End of their conversation*


Sa pagmamasid niya sa kanyang mga kaklase ay napadako siya kay Dio na nangangatog ang kanyang buong katawan. Parang naiiyak na ewan. Tila may kausap ito sa kanyang telepono at "Hindi po yan totoo! Huwag kayong magbiro ng ganyan sa amin Ma'am ! Imposible yan! Imposible yan!", sigaw ni Dio. Nabigla kami sa einuha niya ay ang kanilang guro ang kausap nito upang humingi dito ng tulong. Ngunit tila nagbago ang timpla ng kanyang mukha.


"Anong sabi ni Ma'am ? Sinabi mo na ba yung nangyare kay Sieg? Bakit natulala ka na dyan? Uy anu na?", sunud sunod na tanong ni Edel mula dito.


Tulala pa rin si Dio. Parang naputol ang dila nito at hindi makapagsalita. Lahat sila ay naghihintay ng sasabihin niya. Hindi mapakali at atat na atat si Edel kung ano ang balitang sinabi sa kanila ni Ms. Rin.


"Di-dio? Anong sabi ni Ma'am ? Kinakabahan na kase kami eh. Para kaseng masama ata yang balitang sasabihin mo sa amin ee", kinakabahan na saad ni Edel mula dito. Tila kinakabahan siya na hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang ikabahala.


"Pa-patay na daw sila", walang reaksyong sabi ni Dio sa amin.


The CollectorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora