TC 017: Memoirs of Death

89 15 6
                                    

*March 15, 2000*

"Guys, tara na! Magsaya na tayo ngayon, minsan lang manlibre itong si Reina eh", saad ni Lass mula sa kanyang mga kasamahan na panay kwentuhan ang inaatupag sa cottage.

"Susunod na!", banggit ng nakakatanda nitong kapatid na si Luxus sabay talon sa swimming pool kung sila dinala nila Reina.

"Ang ganda naman nitong resort niyo Reina", wika ng bestfriend nitong si Elesis na tila manghang- mangha sa laki ng resort nila. Mayroon itong dalawang malalaking pool at isang kiddie pool na nakahiwalay sa dalawang malalaking pool doon. Meron din ditong slide kung saan ay maaari mong gamiting padulasan kung iyong nanaisin. Mayroon din itong mahigit dalawampu't limang cottage na nakapalibot sa gilid ng mga pool at isang rest house kung saan sila mag- oovernight na magbabakarda.

"Ano ka ba? Makayaman naman 'to, pare- parehas naman tayo ng katayuan sa buhay eh", saad nito sa kaibigan sabay hampas dito sa kanyang balikat.

"Aray ko naman! Makahampas naman 'to sa balikat ko", pagtatampo na turan nito mula sa kanyang matalik na kaibigan na lagi niyang kaagapay sa anumang problema.

"O, siya, tama na ang pagtatampo mo at sumama na tayo sa kanila at i-enjoy na natin 'tong birthday ni Reina!", masayang tugon ni Elesis sa kanyang mga kaibigan.

"Sige, mauna na kayo, hihintayin ko lang si Ronan sa labas. Malapit na daw kase siyang dumating eh", masayang tugon ng mga ito mula sa kanyang mga kaibigan.

"Ano? Wala pa rin yung damuhong kong best friend dito?  Sabi niya natutulog lang siya sa rest house?", galit na turan ni Elesis sabay hawak nito sa kamao at inilislis nito pataas ang kanyang kwelyo na tila nakikipaghanda sa away.

"Uy, ano ka ba Elesis. Best friend mo pa rin yun noh at alam mo naman yun na laging palabiro yun diba?", pagpapakalmang wika nito sa kanyang kaibigan.

"Hay naku! Buti na lang at napagtitiisan mo pa yang best friend ko! Sabihin mo lang sa akin kung sasaktan ka niyan ah, kase makakatikim talaga yan ng suntok sa akin!", saad ng Elesis mula kay Reina sabay pagpapakita nito sa kanyang braso.

"O, siya, sige na, pumunta na kayo doon at ako nang bahala dito. Hihintayin ko na lamang si Ronan dito sa gate", turan nito sa mga kasama at umalis na ang mga ito at nakipagsiyahan na sa kanilang mga kabarkada sa swimming pool.

——-+++++——-

Nasa sala sina Reina, Ronan, Elesis, Jin, Lass, Luxus, Arme, Lyre at Amy at iba pa nitong mga kaibigan na masayang nakikipagkwentuhan sa isa't isa. Sinulit nila ang kaarawan ni Reina na maging memorable ito para sa kanya sa nalalapit nitong pagngingibang- bansa dahil doon na niya ipagpapatuloy ang kanilang pag- aaral ng kanyang kapatid.

"Bakit nga pala hindi mo kasama ang kapatid mo dito Reina?", wika ni Elesis sa kanya habang ngumunguya ito ng Chippy.

"Ahhh... Yun ba? Sayang nga at hindi siya nakasama kase sa dami ng school works niya. Sa ibang school kase nag- aaral yun at laging may ginagawa", saad nito kay Elesis habang humihigop ng softdrinks sa kanyang baso.

"Kamukhang- kamukha mo ba siya Reina? Kambal ba kayong dalawa?", turan naman ni Lass na tila excited sa mga isasagot ni Reina tungkol sa kanyang kapatid.

"Ay! Hindi naman! Mas maganda yung kapatid ko sa akin at mas matalino pa. Kaso nga lang ay hindi siya yung tipo ng babae na napakakikay, medyo "one of the boys" din siya eh", pagtatapat na wika nito kay Lass na tila napanghinaan ng loob dahil sa balitang natanggap niya.

"Ano bang pangalan ng kapatid mo Reina?", pahabol na tanong muli ni Lass kay Reina.

"Siya na lang ang magsasabi sa inyo syempre para may thrill. Hahaha!",saad ni Reina mula sa mga kaibigan na tila natatamaan na ata dahil sa naparami na ng inom ng alak.

The CollectorWhere stories live. Discover now