TC 025: The End is Near

119 10 5
                                    


Matapos ang karumal- dumal na pagpatay sa ilang mga estudyante ng Nicholas Academy lalung- lalo na sa klase ng Class- A ay may ilang araw na walang naganap na patayan sa nasabing insidente na nangyare sa kaarawan ng kanilang kamag- aral na si Amy. Dito'y inalayan nila ng dasal ang mga namatay nilang kamag- aral at napagdesisyunan ng punung- guro ng nasabing eskwelahan na ilipat pansamantala ang mga natitirang estudyante ng Class- A sa Class- B to Class- F habang naghihintay pa ng kapalit sa guro nilang si Ms. Rin.

"Kamusta naman sa Class- B, Lyre?", matamlay na tanong ni Edel mula sa dati nitong kaklase na si Lyre na nailipat sa Class- B.

"Ayun, nakatingin sa akin ang lahat ng estudyante at lagi nila akong nilalayuan dahil sa may sumpa daw ako", malungkot na sambit nito mula sa kanyang mga kaklase habang iniikot nito ang straw na hawak mula sa kanyang inumin. Nasa canteen ang dating magkakaklase ngunit sila ang sentro ng atensyon sa buong campus at halos laman ng buong tsismis sa loob ng paaralan.

"Pare- parehas lang naman tayo eh. Itinuturing nila tayong salot na tila may mga nakakahawang sakit na halos ayaw nila tayong hawakan o kausapin man lang", malungkot na tugon ni Lass na nalipat mula sa klase ng Class- F.

"Wala naman na tayong magagawa dun. Kahit na ako siguro ang lumugar sa kanilang kalagayan ay nanaisin ko na lang na tumahimik at lumayo kaysa sa mapahamak ako. Hindi ko din sila masisisi", madiing wika ni Elesis na nalipat mula sa Class- C kasama ang kaibigan nitong si Edel.

Tumunog na ang bell hudyat na simula na muli ng klase at naghiwa- hiwalay na ang mga dating magkakaklase at gumawi sa kani- kanilang mga silid- aralan. Inilipat mula sa Class- B si Lyre at Dio habang sina Elesis at Edel ay inilipat mula sa Class- C samantalang sina Ronan at Luxus naman ay nailipat sa Class- D, sa Class- E naman nalipat ang magkaibigang sina John Jacob at Angelo at sa Class- F naman ay si Lass. Inilipat sila dahil sa kadahilanang walang sino mang guro mula sa kanilang paaralan ang gustong humawak sa kanilang seksyon dahil sa hindi nakayanan ng kanilang guro na si Ms. Rin ng sobrang trauma sa mga pangyayari at walang gustong pumalit mula sa kanya kaya napagdesisyunan na lamang ng kanilang punung- guro ang ganoong setup kaysa naman na hindi sila makapagtapos ng kanilang pag- aaral.

-----+++++-----

Ilang buwan lamang ang nakakalipas ay tila nakalimutan na ng ilang estudyante ang mga nangyaring kababalaghan mula sa kanilang paaralan. Ilang buwan ding walang naganap na patayan o anumang nawawalang estudyante mula dito kaya't bumalik sa isang ordinaryong pamumuhay ang ilang estudyante mula rito lalung- lalo na ang mga natitirang estudyante ng Class- A.

"Nakakainis talaga yung titser namin sa Matematika na si Ms. Yheng. Nakakainis!", pagtitimpi na wika ni John Jacob na tila babae kung magreklamo habang sapu- sapo nito ang noo na akala mo ay nilalagnat dahil sa sobrang pagkainis nito mula sa guro nito.

"Paano ba naman, tinulugan mo siya sa klase niya at hindi mo man lang nasagot yung tanong niya. Kaya ikaw tuloy ang napagbuntungan ng galit", pangungutya na wika ni Angelo mula rito sabay napahagikhik ito ng mahina.

"Bakit kase hindi mo ko ginising ah? At ano bang pakialam natin kung nakipaghiwalay sa kanya ang boyfriend niya?", saad nito na tila nagtatampo pa mula sa kanyang kaibigan.

"O, siya, tama na ang pag- aaway na 'yan", saway na wika ni Lyre na nahalal na Vice President mula sa buong campus ng Nicholas Academy. Marami itong hawak na mga papeles at bibihira na itong sumama kumain sa kanilang magkakaibigan dahil sa sobrang abala na ito dahil na rin sa may katungkulan na ito sa kanilang eskwelahan.

"Makakasama ka ba sa amin ngayon Lyre?", wika ni Angelo mula rito dahil tila abala ito sa pag- aayos ng ilang papel na hawak- hawak niya.

"Oo naman! Pwede ko pa namang ipagpabukas 'to eh. Mas importante pa rin naman sila kaysa sa mga papel na ito eh", walang kagatul-gatol na pagsang- ayon na saad ni Lyre mula sa kausap nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The CollectorWhere stories live. Discover now