TC 009: The New Class of Class- A

381 97 36
                                    

DIO's POV


May 25, 2001


Grabe! Kinakabahan ako na naiihi at natatae na pinagpapawisan pa. Joke! Kinakabahan lang. Ito na kase yung araw na malalaman kung pasado ako this coming 4th year dito sa Nicholas Academy. Every year kase ay may nagaganap na Upgrading Exam if need muna makapasa sa pagiging 4th year. Dito nasusukat kung karapat dapat ka ng tumuntong ng 4th year.

Bla! Bla! Bla! Bla! Ang iingay ng mga tao na dito. Tsimisan dito, doon at kung saan saan pa. Ang nakakainis pa dito ay ginagawang motel ang school na ito. Yeah, conservative na kung conservative pero nakakailang kase ee. Dito ba naman maglaplapan sa harapan ko. Mya mya ay tumingin yung babae sa akin at nginitian ako at itinaas niya ang kamay niya na parang pinapalapit ako. Umiwas agad ako sa kanila dahil hindi ko na kaya ang ginagawa nila. Hayaan mo na yun, baka bakla. Rinig na rinig ko yun, kahit na ibinulong lang niya sa kasama niyang babae. Parang sinasadya niyang sabihin sa akin. Nag init ang tenga ko nun pero pinakalma ko lang ang sarili ko. Relax lang Dio, school tung pinuntahan mo, relax lang. Baka mawala ka sa scholarship. Pagpapakalma ko sa sarili ko dahil baka masira ang tatlong taon ang pangalan ko dito sa Nicholas Academy.


"Good morning Nicholanians, meron na po tayong result kung sino ang mga nakapasa sa Upgrading Exam niyo. Siyempre, unang- una sa lahat ay babatiin ko na kayo ng CONGRATULATIONS! Tingnan niyo na lang po ang section niyo sa bulletin board na makikita sa First Floor malapit sa canteen at may room na rin po dung nakalagay at may teacher na mag- oorient sa inyo doon. Thankyou", ang pagtatapos ng announcer sa sinabi niya.


Dali dali akong pumunta sa may bulletin board na malapit nga daw sa canteen tulad ng sinabi ng announcer sa amin. Hindi pa ako nakalalapit ay kumpulan na ang mga kapwa ko estudyante doon at nakikipagsiksikan na. Wala na din akong pinalampas na pagkakataon: susugurin ko na rin ang mga nagsisiksikang mga estudyante doon. Nang ako'y malapit na ay isang kamay ang pumigil sa akin na pumunta sa mga nagkukumpulang estudyante. Si Edel. Kaklase ko siya nung 2nd year kami at parehas kaming nasa Class-A nun kaso nung 3rd year kami ay nalipat siya ng Class-B.


"Hmmm.. Ahhh..Magkaklase ta-tayo, Dio. Sa-sabay na ta-tayong pumunta ok lang ba?", pabulul bulol na sabi nito at para siyang namumula ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.


"Oo nga sabay ka na sa amin", ang nakangiting wika ni Lime at isinubo ang lollipop nito na dala niya.


"Sige okey lang naman sa akin ee, anung room ba tayo?", sabi ko sa kanila pero sana naman ay nasa Class- A ako para manatili ang scholarship ko. *cross-finger sa likuran*


"Don't worry Kuya Dio, Class-A pa rin tayo! Yehey!", masayang sabi ni Lime na patalon talon pa na subo subo ang lollipop nito.


"Ahhh... Ganun ba? OK sige. Pero tingnan ko lang saglit ang pangalan ko aa. Mas masaya kase na makita mo pangalan mo sa board ee. Wait lang aa", sabi ko sa kanila. Mas maganda na yung naninigurado. Konti na lang naman ang tao doon sa bulletin board kaya nakita ko agad ang pangalan ko.


Burning Canyon, Dio S. 4th year-Class- A. Room 101 ADVISER: Ms. Rin Villaflor


Totoo nga ang sinabi Nola.Class- A nga pa rin ako. Halos lahat naman pala ay kaklase ko pa rin noong 3rd year at nadagdag lang si Edel at Elesis sa amin. Pero parang kulang kami. 25 students lang kase kami. Alam ko dati ay lagi kaming 26 students sa Class- A. Walang labis at walang kulang. Hayy, pati ba naman to ay iniisip ko pa rin? Baka talagang wala ng nakakuha na ng slot ng Class-A dahil ang need na GWA ay 90.00, baka wala ng mahanap ang principal namin.

The CollectorWhere stories live. Discover now