TC 023: Revelation

72 14 8
                                    


Naglalakad sa unang palapag sina Luxus, Lass, Ryan at Sieghart upang maghanap ng mapagtataguan hanggang sa maisipan tilang magtago pasumandali sa isang comfort room ng mga lalaki. Malaki ito at marami kang pwedeng pagtaguan mula dito.


"Grabe na 'tong nangyayare sa section natin guys, sa isang gabi ay marami na agad na nasawi", malungkot na wik ni Lass sa kanyang mga kasamahan. Nakaupo ang mga ito sa lapag at lahat ay nakayuko na tila nawawalan na ng pag- asa.


"Sa tingin nyo kaya, buhay pa iyong iba nating mga kaklase?", mahinang wika ni Ryan mula sa kanila habang nilalaro nito ang kanyang mga daliri na tila isang bata.


"Sana nga buhay pa sila", malungkot na tugon ni Sieghart sa iba pa nitong mga kasama.


Habang nag- uusap ang apat na magkakaklase ay nakarinig ito ng mga yabag na tila papunta sa loob ng comfort room na agad namang ikinabahala ng mga ito. Agad- agad silang naghanap ng kanilang pagtataguan sa loob ng comfort room at hangga't maaari ay maiwasan ng mga ito ang pag- iingay hanggang sa mawala ang mga yabag na iyon. Laking pasasalamt naman ng mga ito na hindi ito pumasok sa loob ng comfort room.


"Buti na lang at hindi nito naisipang mag C.R. kundi isa na lamang tayong mga pira- pirasong karne dito", natatawa ngunit may takot sa kanyang boses na wika ni Lass.


"Tara na at umalis na tayo dahil baka pag bumalik pa ang mga yabag na iyon ay hindi na tayo swertehin pa", pag- aanyayang wika ni Luxus mula sa mga ito.


——-+++++——-


"Hindi ako makapaniwala na siyaang may kagagawan ng lahat ng ito", wika ni Edel habang tumatakbo sila papalabas ng resort upang humingi ng tulong.


"Maging ako din Edel ay hindi ko akalain na magagawa nya iyon. Pinagkatiwalaan natin siya pero ang malaking tanong ay bakit niya ginagawa ito sa atin? Anong kasalanan natin sa kanya", wika ni Dio na tila may malaking katanungan na bumabalot sa kanyang isipan.


Habang sila'y humahangos pababa ng hagdan ay nakita nila sina Ryan, Sieghart, Lass at Luxus na lumabas ng comfort room.


"Guys!", malakas na sigaw ni Dio mula sa mga ito na at agad namang nakuha ang kanilang atensyon dahil sa kanyang pagsigaw sa kanila.


"President!", gulat na wika ni Ryan habang hinihintay nila ang mga ito na makarating sa kanilang kinalalagyan. Hingal na hingal ang mga ito dahil sa kanilang kakatakbo upang makalayo sa killer.


"Ki-kilala na-naman yung ki-killer", utal- utal na saad ni Dio dahil sa napakabilis nilang tumakbong dalawa ni Edel.


"Ahh? Sino? Sino yung killer sa atin?", saad ni Luxus mula kay Dion a hindi inaalis ang tingin mula dito upang malaman kung sino nga ba ang may pakanang lahat ng ito.


"Ang killer o ang collector ay walang iba kundi si—", hindi na naituloy ni Dio ang kanyang sasabihin ng bigla itong makarinig ng isang putok ng baril na nanggaling mula sa kanyang harapan.

The CollectorWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu