TC 020: Bloody Birthday

78 15 6
                                    


Abala sa pag- aayos sa kanyang mga kagamitan si Amy lalung- lalo na sa kanyang mga susuotin sa kanyang kaarawan. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa mula sa kanyang nalalapit na kaarawan na agad namang binawi ng kalungkutan na nababakas mula sa kanyang mukha. Humiga muna ito sa kanyang kama at itinigil saglit ang kanyang ginagawa. Naalala nito ang kanyang mga magulang na tila walang pakialam sa kanyang kaarawan na magaganap na bukas. Kinuha nito ang isang unan mula sa kanyang ulunan at niyakap niya ito mula sa kanyang mga bisig at isinubsob ang kanyang mukha mula rito at isang mahinang hikbi ang maririnig mula sa kanyang kwarto.


"Amy, hindi kami makakapunta ng Daddy mo sa kaarawan mo pero ipapadala na lang namin ang regalo namin sa'yo sa mismong kaarawan mo", wika ng ina ni Amy mula sa kabilang linya na hanggang ngayon ay tila naririnig pa nito sa kanyang isipan. Nasa Paris ang mga magulang nito at sa susunod na buwan pa ang uwi ng mga ito para sa kanilang negosyo.


*FLASHBACK*


"Pero, Mommy! 18th birthday ko po 'to! Mapapalagpas ko pa yung araw na kung saan nag 16th ako pero Mommy, importante para sa akin ang araw na ito. Importante na nandito kayo sa tabi ko", malungkot na wika nito sa kanyang ina at nangingilid na ang luha nito na pilit lang niyang pinipigilang mahulog mula sa kanyang mga mata.


"Darlin' intindihin mo na kami ng Daddy mo. Kailangan naming mai- close ang deal naming mula dito", wika ng kanyang ina mula rito .


"Sige! Diyan na lang kayo sa negosyo niyo! Yan na lang ang gawin nyong anak! Bye!", galit na wika nito mula sa kanyang ina.


"Amy! Wa-", putol na wika ng kanyang ina ngunit agad niya na itong binabaan dahil idadahilan na naman nito na para sa kanyang kinabukasan ang kanilang ginagawa. Mula sa kanilang pag- uusap ng kanilang ina ay tila ang matapang at mataray na Amy na kilala ng Class- A ay isa lamang tulad ng mga ordinaryong babae na mahina. Itinatago lamang nito ang kanyang kalungkutan mula sa kanila upang sa ganun ay hindi siya sabihan na mahina siya.


*END of FLASHBACK*


Nakatulog si Amy mula sa kanyang labis na kalungkutan at sa kanyang kaiiyak dahil sa mga nangyari. Naalimpungatan ito dahi sa narinig nitong isang bagay na tila bumagsak mula sa baba. Hindi na nito pinansin ang narinig na tunog at ipinagpatuloy na lamang ang nito ang naudlot na pagtulog ngunit ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nakarinig na naman ito ng malakas na pagkabasag na siyang dahilang upang mapabalikwas ito ng bangon.


"Ano ba naman yan, Yaya Crizelda! Ilan ba yang nababasag mong flower vase namin!", pasinghal nitong sigaw mula sa kanyang kwarto dahil ang tanging nakakabasag lamang ng kanilang kagamitan ay ang kanilang yaya na si Crizelda dahil na rin siguro sa kanyang katandaan. Mula pagkabata niya ay nakamulatan na nitong nanay ay ang kanyang yaya Crizelda dahil halos wala sa kanilang bahay ang kanyang mga magulang.


Ngunit wala itong narinig na anumang salita mula sa kanyang yaya kaya napagdesisyunan nito na lumabas na ng kanyang kwarto hanggang sa napagawi ang kanyang mga mata mula sa orasan.


"Ala- una na?", bulong na wika nito sa kanyang sarili dahil sa labis na pagtataka nito. Ginawi nito ang kanyang ulo mula sa kanyang kinahihigaan at kinuha muka rito ang kanyang telepono upang tingnan ang oras mula rito.

The CollectorWhere stories live. Discover now