TC 013: Survive!

486 80 49
                                    

"Bilisan niyo naman po sa pagmamaneho! Baka hindi na po tayo umabot nito eh", histerikal na saad ni Ronan sa officer na halos ipaharurot na ang sasakyang pampulis nito upang makarating sa kanilang pupuntahan.


"Ito na ang pinakamabilis na takbo ko Iho. Uminahon ka lang at magiging maayos din ang lahat", sabi nito sa kanila sabay tingin sa may bandang salamin ng kanyang kotse.


"Shit! Kung hindi ko lang sana sila iniwanan doon eh", ang tanging salitang nabanggit ni Dio sa kanyang sarili. Lagi na lamang nito sinisisi ang kanyang sarili sa lahat ng nangyayari samantalang iyak naman ng iyak si Elesis dahil sa nangyari.


Napakabilis ng mga pangyayari.


*FLASHBACK*


"Limeeeee!! Edellllll!", sigaw ni Dio mula sa dalawa. Halos lumabas na ang litid nito sa leeg sa biglaang pagsigaw niya dahil sa malakas na pagsabog ng aming sinasakyang van. Sa lakas ng pagsabog nito ay tumilapon at nagpagulung gulong ang katawan ng dalawa sa may kalsada at nasusunog ang kanilang mga damit. Pinuntahan nila ang mga ito upang tulungan. Paglapit ng mga ito mula sa kanila ay halos hindi na sila gumagalaw. Sunog na sunog ang kanilang balat at halos matuklap na ang mga balat nila at kitang- kita nila ng kanilang mga mata ang kalunus- lunos na nangyare sa kanilang dalawa.


"Hoy! Anong tinutunganga niyo diyan! Tulungan na natin sila", sabi ni Dio para bumalik ang aming presensya dahil sa nakita naming sitwasyon ng dalawa. Pinuntahan ko kaagad si Officer Jessie para ihatid kami sa pinakamalapit na hospital dito.


*End of FLASHBACK*


Nakarating sina Elesis, Dio, Ronan at maging ang officer agad sa hospital (St. Guade Hospital, GAWA GAWA LANG NI AUTHOR YUNG HOSPITAL AH) at dinala agad nila sila sa Emergency Room. Halos magsisigaw na si Dio para padaanin agad kami. Agad namang sinuri ng doktor ang dalawa upang malaman kung anong lagay nila. Pinalabas sila ng nurse at pinaghintay sila sa labas.


"Halimaw na talaga siya! Gusto niya talaga tayong pataying lahat!", galit na wika ni Dio sabay suntok nito sa may dingding. Rinig namin ang paggalatok ng kanyang buto sa kamay at dumadaloy din mula dito ang malapot at masagang dugo nito ngunit tila manhid na ang kamay nito at hindi iniinda ang sakit.


"Dio, dumudugo yung kamay mo", sabi ni Ely kay Dio pero Parang wala itong pakialam at sinuntok muli nito ang pader at kumalat na ang mga dugo nito mula sa dingding.


"Pare, tumigil ka na! Wala ding mangyayari kung sasaktan mo ang sarili mo", saway ni Ronan mula sa kanya pero parang bingi ito at tila walang naririnig. Nangingilid na rin ang mga luha mula sa kanyang mga mata na tila handa ng pumatak mula sa kanyang mga mata.


"Tama na Dio... Walang may gusto sa mga nangyayari. Ipagpasadiyos nalang natin kung anong mangyayari sa kanila", mahinahong sagot ni Elesis sa kanya at hinawakan nito ang kamay ni Dio upang pahupain ang galit na tila inilalabas nito mula sa kanyang mga pagsuntok sa pader.


——-+++++——-


"Ano ng gagawin natin?", maarteng sagot ni Amy na kahit marami nang nangyaring kakaiba sa amin at nagawa pa niyang mag inarte. Nakakairita na itong babaeng ito! Lumabas na naman ang pagiging maldita nito sa katawan.

The CollectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon