TC 021: Bloody Surprise

65 14 3
                                    


Isa isang ng nag- aalisan ang ilang bisita ni Amy dahil halos isang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito dumadating. Hinanap na nila ito ngunit hindi nila ito makita kung saan. Maging sa kwarto kung saan nananatili si Amy ay wala din doon. Ni hindi nga nagalaw ang mga gamit doon at nandon pa ang ilang gown nito na siyang susuotin niya sa iba't ibang event. Maging si Arme na siyang dapat tatawag mula dito ay hindi na rin nakabalik. Tinatawagan nila ito sa kanyang telepono ay hindi naman nito sinasagot ang naturang tawag ng kanyang mga kaklase ganundin kay Arme.


"Lyre, nasaan na sina Amy at Arme? Sabi mo nasa kwarto lang siya pero bakit wala siya dun?", nag- aalalang wika ng mga kaklase nito mula sa kanya.


"Hindi ko din alam eh. Doon lang naman namin iniwan ni Arme si Amy eh", nagtatakang nitong sagot mula sa kanyang kaibigan at ipinagpatuloy nitong muli ang kanyang pagkontak sa mga kaibigang nawawala hanggang sa magsalita na ang emcee mula sa harapan ng entablado.


"Oh, teka, tapos na ba ang party at tila kayo ay nagsisi- alisan na?", wika ng isang anino na mula sa isang sulok na tila napakalalim ng boses kumpara ng kanina itong nagsalita. Tumigil sa paglalakad ang ilang bisita nito at nakinig sa tinuran ng nagsasalita. Hindi nila maaninag ang mukha nito dahil sa ito'y nagsasalita mula sa isang sulok at kung ito'y isang babae o lalaki dahil sa gumagamit ito ng voice changer kung saan umiiba ang boses nito kapag nagsasalita.


"Nandiyan na po ba si Amy?", malakas na wika ng isa naming kaklase mula sa taong nagsalita.


"Oo", maikling wika ng tao mula sa sulok mula dito at isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng ilang bisita mula rito. Nag- boses babae naman ito ngayon. Nagbulung- bulungan ang ilang natirang bisita patungkol kay Amy.


"Pa VIP talaga 'tong si Amy oh", inis na wika ni Mari sa kanyang katabi na siya namang sinang- ayunan nito.


"Ladies and Gentlemen, let's welcome, the beautiful and the girl who will be ready to bloom in her year and her 'blood that will flow in this event'", wika ng tao mula sa isang sulok at bakas sa mukha ng mga bisita ang kakaibang tinuran nito bilang pambungad na bati kay Amy. Dito'y nakaramdam ng kakaiba ang ilang kaklase nito.


"Dio, I think may masamang mangyayare kay Amy", bulong na wika ni Ronan mula kay Dio na kanina pa nagmamasid mula sa iba't ibang tao mula doon. Maaari kaseng isa sa mga ito ang killer.


"Let's welcome again Ms. Amy Aruha, our debutant!", masiglang wika ng emcee at isang masigabong palakpakan ang maririnig mula dito habang unti- unting bumubukas ang malaking "cocoon" na sinasabi ni Arme kung saan manggagaling si Amy. Ang malakas na palakpakan ay napalitan ng isang nakakabinging sigawan dahil sa kakila- kilabot na nangyari kay Amy at sa kalunus- lunos na nangyari sa kasama nito!


"Arme! Amy!", naghihisterikal na sigaw ni Lyre dahil sa kagimbal- gimbal na kanyang nakita. Lawit ang mga dila ng mga ito at wakwak ang leeg na halos mapapatid na sa pagkakapit sa kanilang katawan na tila pag hinangin lamang ay matatanggal na sa pagkakapit ng kanilang ulo mula sa kanilang katawan. Wakwak din ang mga tiyan ng mga ito at tumutulo ang mga pulang likido mula rito at halos matanggal na ang mga lamang loob nila dahil sa tindi ng pagkakabuka ng kanilang mga tiyan. Namatay ang mga ito ng nakadilat na tila takot na takot sa mga nangyari sa kanila.

The CollectorWhere stories live. Discover now