Nalungkot ako. Ang bigat sa puso. Pakiramdam ko ay kasalanan ko bakit parepareho kaming bigo. Inisa isa na ang mga nanalo. Nandyan na yung tinawag na si kami steal at jethro. Na mga single player na nanalo. Ang lakas ng palakpak pag mga taga main campus ang nanalo pero halos kami kami lang ang pumapalakpak kapag ka kalase namin ang natatawag. Kahit nga yung nag bigay ng award ay nakasibangot.

Sumunod na tinawag sa awarding yung mga larong by partners hanggang sa mga by team na laro. Tinawag na din ang boys dahil sa pagkapanalo sa basketball. Gustuhin man naming pumalakpak pero di namin magawa dahil mabigat na ang pakiramdam namin.
Lahat kami ay nakatungo na, iniintay ang pangungutya nilang muli.

"Ladies and gentlemen sa hindi natin inaasahang pagkakataon ay malalamangan tayo ng mga hampaslupa" sabi ng baklang emcee, bagamay panlalait ang sinabi niya ay sabay sabay kaming napatunghay dahil sa sinabi niya. Nagkaroon kami ng munting pag asa "the last competition we had has a unacceptable result which is the band" biglang bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa sinabi niya. Halos di ako huminga dahil sa sinasabi niya

"The champion in the band competition is no other than the end classroom, the trash" ani ng emcee sabay irap. Pero sa kabila non ay para akong nanigas dahil sa sinabi niya. Nag umpisang magkagulo ang mga kaklase ko at panay sigaw at talon sila sa tuwa habang ako ay lalag ang panga dahil sa result.. di ako makapaniwala.

" i told you" maya maya ay may bumulong sakin at pag baling ko ay si mr. Tom iyon. Ngayon ko lang natanto ang tinutukoy niya kanina. Wala sa sariling napatili na din ako ng ma proseso ang nangyari.

"Wahhhhh" sigaw ko
"Palamura palamuraaaaaa"
"Palamura number one" sigaw nila ng paulit ulit. Daig pa namin ang mga tribo na nagsasaya habang nasa gitna ang apoy sa ingay at gulo namin. Maging ako ay di mapigilan ang mapatalon sa tuwa. We shed our tears pain blood and sweats here that's why this result is really an achievement.

********

Lumipas ang intramural, at mismong kinabukasan din niyon ay nag vacation nga kami. Samasama kami sa isang bus. Panay asaran at chismis ang byahe

Nandyan yung nagpapatugtog ng makalumang kanta si mr. Tom kaya inaasar namin itong matandang hukluban. Nag eemote naman sa bintana si shida at vincent. May mga headset pang dala na para talaga makapag moment sila sa vacation na to.

Syempre bida na naman sa kuwento si plee at alulai. Sa lakas ng boses at daldal nila ay kahit yata nasa dulo ka ng bus at nasa unahan sila ay sagap na sagap mo ang chismis nila.

Si steal naman nagbabasa parin kahit na oras na namin to para mag enjoy. Si kami at gio ay may sariling mundo uli. Pansin kong may gusto si gio kay kami pero manhid itong babaeng ito. Dahil nga siguro wala pa sa isip niya ang ganiyong bagay, sina ken tartilite at peter ay nakiki sound trip kay mr. Tom para silang mga sinaunang tao na nag jajamming dahil sa makalumang kanta nila. Its disgusting...

Sila thea naman at jethro ay hayun at kumakain na ng kung ano ano. Nanghihikayat pa sa iba na kumain na lang din.

Kanya kanya sila ng trip sa buhay. Kaya naman napakagulo ng byahe.

Dumating kami sa place at naalis ko naman ang  shades  ko pagbaba ng bus dahil sa view. This is fucking beautiful paradise

"Waooo"
"Ang gandaaaaa"
"Ang payapa. Tara don" kanya kanya silang titig sa lugar na talagang makapigil hininga sa kaoayapaan at kagandahan

"Where are we?" Tanong ko habang nagmamasid,  this is a white sand beach. Ang alam ko lang na may magandang white sand is Boracay, palawan Puerto Galera etc, i never heard that Batangas also has a breath taking beach

"You never heard that one of the assets of Batangas is our beaches?, were here in locloc Batangas" ani ni vincent na nasa likod ko pala

"Really?" Gulat na ani ko na di binabalingan si vincent dahil binubusog ko ang mata ko sa view.

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now