CHAPTER 20

336 20 6
                                    

END CLASS HAS A SECRET?

ALEC POV

Matpos ang klase ay agad akong dumaretsong bahay. Di parin mawala sa isip ko ang palaisipan tungkol kay thea. At di lang kay thea dahil ramdam kong my mali talaga. Matagal ko na rin iniisip kung ano yon at binabalewala ko pero ngayon ay lumalakas ang loob ko.

Unang una sa lahat. Kakaiba ang end class to the point na sila ang lihim ng isang parang ordinaryong private school na walang aircon ang mga low section. Pangalawa. Bakit nagagalit si vincent sakin. Pangatlo. My kakaibang talento ang bawat isa sa kanila pero bakit di nila pinapatulan ang mga taga main campus. Yung kilos talino pagsasalita nila ay kakaiba talaga At pang apat bakit madaming ilegal ang nakikita ko?. Una ang pagtratrabaho ng high school student sa isang fast food. Katangap tangap pa kung iisipin na collage sila. Pero 16 y.o ay wala pa sa tamang edad. Maging si mr. Tom ay 21 years old lang para naging isang ganap na guro agad. At ang pagpapaalis sa kanila sa main campus. Pede sila umalis pero bakit nila sinasabi na masaya sila kung karamihan sa kanila ay aping api

Andaming kahinahinala sa kanila pero bakit pag kasama ko sila ay parang wala silang tinatago. Parang normal na gago lang sila pero di yun yung nararamdaman ko.

My kinalalaman kaya si mom and dad rito?

Napapikit ako. Ano ba talaga ang papel ng end class sakin. Ano ang gagawin ko ngayon. Napapikit ako at naalala ko si thea.
Ramdam kong hindi lang si thea ang my tinatago kundi lahat sila. Kasama rin kaya si kami?

Kinabukasan ay naka P.E ako na pumasok. Di ako nakatulog ng ayos dahil sa sakit ng puson at ulo ko. Nang makarating ako sa room ay pinagmasdan ko ng maigi ang buong old campus kuno.

Para itong malaking bahay kubo. Parang nasa 50 years old nato sa kalumaan niya. Gawa sa tabla, kahoy at ilang bato ito. Malawak kung tutuusin pero luma at pangit kung susumahin. Maraming bulaklak sa paligid marahil yon ang trinatrabaho nilablagi tuwing umaga.

"Alam mo palamura kung ako sayo picturan mo na lang"nagulat ako ng my sumingit na boses mula sa likod ko. Ang tomboy na si fice lang naman kaya napairap ako

"Alam mo kung ako sayo e umalis ka sa paningin ko"pamemelosopo ko sa kanya saka muling tumitig sa classroom

"Alam mo ba kung ano ang kasaysayan ng lugar na to?"tanong niya. Heto naman ako at na iintriga. Nakakainis wala naman akong pake sa mundo dati pero bakit kapag end class na ang pag uusapan ay naiintriga akong parati

"Muka bakong history teacher?"maarte na sabi ko

"Namatay ang kasintahan ng binata na nakatira dito dati 58 years na ang nakalipas. At sabi ng dalagang namatay ay palaguin at hintayin mo ko rito. Kaya pinalago ng binatang lalaki ang bahay sa pamamagitan ng pagtuturo. Hangang sa lumaki ng lumaki ang school niya kaya nagtayo na siya ng main campus "kwento niya. Sa di maipaliwanag na dahilan ay my kung ano na namang alien na pakiramdam

"Ahh ganon kaya pala old campus ang tawag niyo rito"ani ko at tumango naman siya

"Pero Hangang ngayon walang nakakakilala kung sino ang founder ng school"ani niya na kinataas ng kilay ko

"You mean, yung binata na namatayan ng kasintahan ay di kilala kung sino?"tanong ko at tumango naman siya kaya napairap ako

"Kalako si alulai lang ang madaldal. Lahat pala kayo" ani ko sa kanya na kinatawa niya.

"Hayy kaya walang nagmamahal sayo"ani nito na kinataas ng kilay ko

"Lalo na sayo. Tch"ani ko at nagkatitigan kami pero pareho kaming natawa. Ewan ko ba sa mga baliw na end class nato. Titingan ko palang natatawa nako

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now