CHAPTER 29

324 23 0
                                    

Intramural part 1- preparation.

Alec POV

Lumipas ang mga araw at tuluyan na nga akong nauto ng mga yawa. Nag pabebe ako ng ilang araw pero di ako tumalab dahil sa kalokohan ng mga sira ulong yon, naglungkot lungkutan pa nga ako, pero di yon tumalab sa kapal ng muka nila eh parang obligasyon ko ang wag magalit sa kanila.

Nandyan yung hihingi sila ng kung ano ano sakin, malamang ay mumuramurahin ko sila at itataboy pero sa huli bumabalik sakin ang salita ko. Sa huli ay binibigay ko ang kailangan nila

Seriously.. alecc???... Alexis sandoval???..

Sinong mag aakala na ang isang kagaya ko ay nauuto uto lang ng mga ito. Isama pa ang teacher na yon na palagi din akong pinagtritripan, nung ma isang araw nga na nagtratrabaho kami parepareho eh kinukupitan ang cashier. Parang di teacher kung umasta.. kaya naman sandamakmak ang murang binigay ko sa kanya at panghahampas. Pero ang lokong yon eh nag pa cute lang sa kaklase ko at sakin. Sa huli ay ako pa ang sinabihan ng estudyante niya na walang puso. Ganon ka kapal ang muka nilang lahat

Si kami din ay sobra ang kabaliwan. Biruin mo ba naman nag paparty sa bahay namin nung mga panahon na naglulungkot lungkutan ako. Nagulat na lang ako bakit ganon. Buti na nga lang at umuwing manila si yaya non dahil may utos ang daddy dahil kundi baka na baril na ni yaya ang lahat na naroon.

Biruin mo kasi 21 kaming nasa loob ng condo kong yon. Ginulo nila ang bahay ko!!!. Yung lungkot lungkutan ko eh napalitan ng inis. Yung snob effect ko tuloy sa kanila eh nawala na ng tuluyan ng pinagmura ko sila isa isa. Sa huli imbes na mahiya sila ay nauwi sa tawanan at asaran ang condong yon. Pero aaminin kong kahit sobra ang inis at galit ko nung time nayon ay natatawa na lang din ako

Di lang yon. There's more, nung mag flag ceremony kasi ay malamang nasa putikan kami. Pero ang mga kagaya nilang kupal ay di niyon tinatalaban. Biruin mo ba naman diba nakabota na sila naka kapote pa. Nagulat ako kung bakit malamang sa malamang eh wala akong suot dahil di ko nga alam at binigyan pa nila ako pero tumangi ako. Ako kasi ang nahihiya sa itsura nila. Yung mga taga main campus tuloy ay mas nag ismiran, tawanan laitan at kung ano pa mang matatawag sa ginagawa nila. Ako naman eh nahihiya. sa isip e tinatakwil na sila.

Pero sa kalagitnaan ng pagkanta ng pambansang awit eh bumubos ang ulan ng diko inaasahan kaya naman ako lang ang nauwing basa. At ang mga kupal inasar pako na kesyo "yuckk iww basa dika namin klasmeytt"...

Dalawang linggo na ang lumipas mula ng masaksihan ko ang pagsasagawa nila ng mission sa teacher na tordil. Gusto ko man magtanong eh mataas ang pride ko para gawin yon. Malamang e nagpapangap akong walang pakialam sa kahit ano.

Pero nung dalawang linggong lumipas nayon ay my kung ano sa akin ang na eexite ng pumasok. Yung tipong gigising ako at nasa isip ko agad na matututo ako ng bago at may mga kupal na kagaya nila ang mangungulit sakin. My kung anong masarap sa pakiramdam yon. Aaminin kong ito ang buhay estudyante na gusto ko na diko maamin noon kasi mataas ang pride ko

Sinong makakaisip ba na ang bilyonaryong kagaya ko eh masaya sa ganto ka cheap na buhay??....

Lumambing den ang end class sa kin, bagamay panay lokoloko ang mga ito ay my kung ano sa kanila na di man derektang nagsasabi eh nararamdaman ko ang paglalambing nila sa akin. Nagpaparamdam na belong ako sa kanila. Kaya panay asaran na kami ngayon. Di lumilipas ang araw na walang katatawanan ang nangyayari

"Ok class my isang linggo na lang bago ang mag intramural. At ang isang linggong yon ay mag eensayo tayo" anunsyo ni mr. Tom lunes ng umaga

"My klase tayo mr??"tanong ni plee

"Wala. bwahahahabbababa"tawa ng bakulaw na sinabayan ng yes ng lahat. Pinakalma naman ni mr. Tom ang mga ito

"Di ako magklaklase dahil kailangan nating paghandaan ang intrams na to, bukod sa tayo tayo lang ang magkakampi sa lahat ng laro laban sa kanila ay my premyo o parusa tayong matatangap" ang pagsasaya na nararamdaman namin ay biglang binalot ng katahimikan at kakaibang awra

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now