35

262 18 6
                                    

THE VICE PRESIDENT OF STUDENTS COUNCIL

Alec POV

Kasalukuyang nasa hospital ako at binabantayan si thea na hanggang ngayon ay wala pang malay. Di parin ako makapaniwala sa natuklasan ko kanina. Nakuwento sakin ni kami na may limang bulakbol nga ang end class. At hindi ko akalain na ang isang bulakbol doon ay ang vice president ng student council. Punong puno talaga ng misteryo ang end class. At habang patagal ng patagal ay mas dumadami ang nalalaman ko.

Diko alam kung paanong nangyari na ang vice press na yon ay bahagi ng end class na tinatawag na basura. Patapon. Mahihirap at hampaslupa.  Kabahagi siya ng student council.. paano?

"SINO KA?" Gulat na ani ko habang nakatingin parin sa babaeng may hawak ng kamay ko na akmang sasampal sana sa kalaban namin.

"Pabalikin mo sila alulai. Baka ma disqualified tayo" imbes na sagutin ako ay iyon ang binilin niya. Bagamay naguguluhan ay sinunod ko na lang din siya.

NATAPOS ang laro na panalo kami. At imbes na magpahinga ako kung saan ay pinili ko na lang na samahan si thea dito sa hospital. Gusto ko magtanong tungkol doon sa mae pero halatang wala akong makukuhang sagot dahil sa pride ko. Kahihiyan para sakin ang maki chismis sa buhay ng iba. Like ano bang pake ko?

Pero inaamin ko na napukaw niya ang atention ko. Dahil bukod sa part pala siya ng end class tapos student council pa siya. Ay siya nga rin yung nakita ko noong nakaraang gabi noong sumama ako sa mission ng end class tungkol kay mr. Tordil

Siya yung babae na tila ba kay lalim ng pinagdadaanan. Yung akala mo ay sinaktan siya ng buong mundo pero wala siyang ginawa kundi ang tahimik na dalhin yon.

Aishh sino ba kasi siya. Ang dami kong tanong.

Sa pag iisip ay hindi ko namalayan na dumating na ang end class. 5 na ng hapon kaya siguro ay tapos na ang laro ng lahat.

"Panalo ang boys sa basketball ngayon palamura" masayang ani ni kami

"Ehh, nice" tanging sagot ko. Wala ako sa mood dahil sa pag iisip."nasan ang iba?" Tanong ko

"Ahh bawal kase pumasok ang madaming tao dito eh kaya ayon, sa labas nag si tambay"  sagot naman ni kaye. Diko na malayan na may kasama pala silang dalawa na senior dahil sa pag iisip at ng mapansin ko ang matanda ay agad akong napatayo sa upuan ko.

Kanina kasi napagalitan ako ni mr. Tom dahil sa pag sigaw ko sa mas matanda saking referee. Kahit anong paliwanag ko mali daw yon kaya ayon nakuhanan na naman ako ng 200

Mamumulubi talaga ako kay mr. Tom. Kaya siguro nag hihirap ang end class dahil niya. Uubusin niya ang pera namin

Agad akong nagbigay galang sa matanda sa takot na makuhanan na naman ng pera "magandang hapon. Ano kayo ni thea?" Tanong ko. Di ako sanay gumalang. Sapat na siguro yung pag tayo ko saka wala naman rito si mr. Tom para gumamit pako ng po and opo

"A-hh a-apo ko s-siya i-jaa" nanginginig na ani nito. Bakas sa boses ang katandaan niya kaya naman napatango ako. Sino kaya ang nagtratrabaho sa kanila

"Sige" ani ko saka hinayaan ang matanda na lumapit kay thea. Diko alam bakit biglang naiiyak si kaye at kami. Pigil na pigil nila ang sarili nila at may pagtaklob pa sa bibig nila. Akala mo naman ay mamatay si thea. Kahit kailan ang oa nila.

Tumingin na lang ako sa matanda na marahang hinaplos ang pisngi ng apo saka nalaglag ang mga luha. Tila madamdaming sandali iyon. Ang madamdaming haplos ng matnda ay tila may kung anong damdamin na nilalaman. Diko maunawaan ang nangyayari subalit nararamdaman ko sila sa diko alam na paraan

"A-apo k-ko b-bakit d-di ka nagsasabi sa lola" ani nito at nagulat ako at nanigas ng humaguhol na ang matanda habang hawak ang kamay ng apo. Para din yon na gatilyo at di na napigilan ni kami at kaye ang umiyak. Naguguluhan man ay nababatid ko nararamdaman nila.

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now