CHAPTER 4

537 23 30
                                    

-palamura




Camile "kami" POV

Mambabarang yan.
Alam mo ba yung nanay niyan kaya lang nakakakuha ng pera dahil sa bayad ng mga may pinababarang niyang kliyente.

Lagi nila yun sinasabi at diko maintindihan saan nila yun nakuha. Di perket ba na mahilig ako mag ekperimento ay isa na akong mangkukulam o mangbabarang??. Katamtaman lang ang kaya ng pamilya ko at di ako kasing yaman ng ibang kamag aaral  ko at mahina ako sa ibang subs ko lalo na sa mga social subject kaya napunta ako sa end class dahil mahina raw ako

Alam ko na mali ang ginawa nila sa akin na  pagbabaligtad  ng kwento na hinalo ko raw sa pagkain ni sir ang lason na imbento ko kahit di naman iyon ang nangyari at pede ko yon ireklamo pero saan ako mag rereklamo kung yung mismong dean ay walang pakialam sa mahirap na kagaya ko.

Di na ako nag atubiling masumbong sa pulis dahil sigurado akong mababalewala lang ang sumbong ko dahil sa malaki at malakas ang ang school na pinapasukan ko

Nung mga panahon na nakatungtong ako rito sa end class ay walang buhay ang lahat. Patapon kami at kinukutya sa tuwing my assembly kung saan kailangan kami sa main campus upang my mapaglaruan sila at maliitin

Last year nung napunta ako rito at 3rd year ako noon. Ang end class naman ng ibang grade level ay nasa campus. Magkakaroon lang uli ng bagong mag aaral rito sa old campus bilang end class ay pag naka graduate kami

At unlucky batch ang tawag sa amin. Ika nga

Lahat ng kaklase ko ay ligaw ang landas kagaya ko. Alam kong di kami patapon kagaya ng sabi nila.  hindi kami mahihina. Magagaling kami na may kahinaan lang

Kagaya ko. Magaling ako sa science pero kahinaan ko ang social dahil sabi ng iba masyado daw akong honest at di ko daw iniisip ang mararamdaman ng iba kaya naman hirap ako sa social kung saan communications ang kailangan

Kahit sarili kong damdamin ay di ko alam kung paano sasabihin

Sabi naman  ni mama ay walang problema don dahil ang mahalaga daw ay nagsasabi ako ng totoo

Palagi kaming nagmumurahan at nag aaway rito sa end class at walang nakakatagal na teacher sa amin. Pinanindigan na namin kung ano man ang tingin ng iba sa amin

Pero ang sigurado ko lang noon ay mabuti kami ng mga kaklase ko at talentadong tao na may pangarap pero natabunan ang ugali naming yon dahil sa pag mamaliit ng nakakataas sa amin

Until the october last year ay dumating ang talentadong bagong guro namin. Si mr tom.kagaya ng pinapadanas namin sa baguhan ay ginawa rin namin yon sa kanya pero walang tumalab

Lahat ay kaya na niya atang gawin pero ang hindi lang niya kaya maalis  ay alisin ang discrimination sa amin dahil wala siyang sapat na kakayanan para don dahil katamtaman lang rin ang yaman ni mr tom

"Kami"habang nagtuturo si mr. Tom ay kinulbit ako ni gio. Si gio ay kagaya ko na nakasalamin at wirdo din. Marunong den siya gumawa ng lason kaya nga siya ang nakasundo kong kaagad

Ang pinagkaiba lang namin ay sinungaling siya at ako naman ay hindi

"Bakit?"tanong ko sa kanya

"My naisip akong bagong hypothesis "ani niya at napangiti naman ako.

"Anong balak mong gawin?"tanong ko sa kanya

"Naisip ko kasi na gumawa ng tubig na lasang sofdrink para kahit inumin natin yon ay walang kalusugan ang masisira"ani niya at maganda ang naisip niya

"Pano mo naman gagawin yon"tanong ko sa kanya

"Kaya nga ako nagtatanong sayo ee"ani niya at napatango ako

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant