CHAPTER 14

324 17 2
                                    

ROLEPLAY

ALEC POV

Kinabukasan pag pasok ko ay medyo napaaga ako dahil kailangan akong gawin ngayon. Ang alamin ang sinasabi ng matalinong anak ng glutathione na my kakaiba kay mr. Tom

Di naman sa nag aalala ako dahil wala akong pake sa letchwegas na teacher nayon. Ang inaalala ko ay kung ano na naman ang gagawin ni alaisa. Pagkatapos ng suhol na pagkain ano naman kaya ang sunod. At yon ang concern ko.

Pagdating ko sa old campus ay nandito ang president na si trone. Naalala ko ang pangalan niya dahil lagi siya ang nag lelead kapag wala ang letchwegas na teacher. Kaya din siya maaga ay siya ang nagbubukas ng room

"Palamura nandito kana pala" nakangiting sabi nito ng makita ako
"Wala pako kaya wag mo alalahanin" pabara na sabi ko.

"Bat napaaga ka ata?"tanong niya

"Wala pa nga ako diba. wag kana mag tanong tch" sita ko sa kanya pero inismiran niya na lang din ako.

Pumasok ako sa classroom ng buksan na niya ang pinto. Pumunta agad ako sa bawat sulok ng classroom para alamin kung my mali ba. Baka kasi nanira ng gamit si alaisa pero masyado naman immature nun pero di imposible na gawin niya dahil masyado desperada ang babaeng yon.

"My problema ka?"tanong ni trone.

"Kayong end class."sagot ko saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Ay nga pala. Sino ang pinakamatalino sa inyo?"tanong ko sa kanya at medyo naguluhan siya sa tanong ko

" si steal ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya. Ayunn oo nga pala steal ang pangalan niya. Nasa dulo na ng dila ko kagabi diko lang masabi.

"Ahh  matalino ba yun. Muka namang hindi" ani kong pakunwari "pero ikaw ano nman ang papel mo sa end class?" Tanong ko pa

"President "simpleng sagot niya

"Yun lang ang ambag mo sa mundo?ang liit naman" pakunwari ay sabi ko at natawa naman siya

"Alam mo nakakainis ka parati pero at the same time ay gusto ko ang ganyang ugali mo. Naalala ko sayo ate ko ee" ani nito at napairap ako sa hangin

"Wow haa. Masyado akong perpekto para lang maalala mo ang ate mo sakin tch" maarteng sabi ko habang nakataas ang ibabaw ng labi ko at napatawa naman siya.

"Wag kang aalis sa end class. Marami kapang malalaman at magiging malaking tulong ka kapag nalaman mo na"misteryoso niyang sabi kaya nangunot ang noo ko

Anong ibig niyang sabihin?

"Wala akong pake"kunwari ay walang interes na sabi ko

Unti unti ay nagdatingan ang iba pa. P. E kami ngayong huwebes kaya naman medyo magaan ang pakiramdam ko dahil naka jogging pants ako. Wala parin puma pansin sakin. Mukang tuloy parin sila sa ginagawa nila aishh.

Nag umpisa ang klase at gaya ng inaasahan ko nandito na naman ang bitch na desperada. Kasama pa siya ng hangal na guro. Pede na silang ridding in tandem.

Naiinis talaga ako sa presensya ng babaeng yon pero kinakalma ko ang sarili ko. Kelangan ko ng asahan na my maaring masasamang mangyari dahil sa presensya niya kapatid niya kasi si satanas kaya delikado na. Nang mag break na ay nanulsol na naman siya. Burger ang spaghetti naman ang dala niya.

At ang nakakainis pa mukang tuwang tuwa ang lahat maging si mr. Tom.  Matapos ang break ay lumabas ako sa room at nag pangap na iihi. Tiningan ko ang tatlong lalaking body guard ni bruha. Habang nakatitig ako ay nangunot ang noo ko. Bakit kailangan niya pa mag dala ng body guard. Ganon na lang ba siya katakot?

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα