36

210 15 3
                                    

The last game to win

Alec POV

Lumipas ang tatlong araw ng intramural. Paulit ulit ang hamon sa amin. Tutulog babangon at maglalaro. Ganon ang naging routine. Magandang pangitain ang nanalo kami sa mga laro. Talagang dedicated ang bawat isa

Sure win na namin ang chess at badminton na siyang si kaye at steal ang aming pinanglaban. Walang sing mintis ang galing ni kaye. Habang si steal naman syempre lowkey lang yon pero ni isa walang makatalo sa kanya sa chess

Half half pa ang tyansa ng sa basketball at ganon din sa volleyball. Ngayong araw pa malalaman kung pareho kaming mananalo. Sa parehong laro kasi ay may naka tie kami ng 7 wins 2 loss. Habang sa basketball naman ay 5 wins 4 loss. Kaya naman nangangamba pa talaga sa dalawang ito

Sure na panalo na din namin ang sepak. Di namin yon inasahan. Kaya naman pinudpod ng halik ng end class si jethro na basagulero. At syempre chaotic uli ang nangyari. Nag ka tabuhan na naman dahil sa ang babading daw bat daw siya hinalkan sa muka kaya pinaghahabol ang lahat ng mga lalaki at may tig iisang suntok mula sa kanya

Bagamay malakas si jethro ay mahina talaga ang utak niya.

Natalo sa swimming si fice. At maging sa soccer ay natalo kami. Para makabuo kami ng 5 wins steak ay basketball at volleyball na lang ang kinakapitan namin

Ngayon ang laro ng basketball at nandito kami sa bleachers at kinakabahan 3rd quarter na at halos nag hahabulan lang ng puntos. Nagulat ako sa galing ni vincent magpa shoot bagamay labag sa loob ay napapa cheer ako para sa kanya. At the same time ang lakas din ng dating niya kaya maging mga taga main campus ay napapatili para sa kanya.

Gwapo naman talaga ang gungong nato. Saksakan lang ng sama ng ugali. Medyo tahimik siya pero harsh kung harsh. Pero minsan madali kausap at palaging bugnutin

Pinasa ni ice ang bola sa kanya. Nagulat kami ng tatlo ang bumakod sa kanya na tila ba wala ng pake ang kalaban ss iba

"Anong ginagawa nila?"namamangha na ani ko. Di ko maunawaan ang taktika ng kalaban

"Mukang niyayabangan nila si vincent"mahinang bulong naman ni alulai na madilim ang awra ngayon. Napabaling ako kay alulai at di siya maunawaan pero palalim lang itong nakatitig sa court kaya naman binalik ko don ang titig ko at mukang nakuha ko ang sinasabi ni alulai..

Habang nilalaro ni vincent ang bola sa kamay ay ngingisihan siya ng tatlong nangbabakod sa kanya at tila maysinasabi. Diko maaninag ang reaction ni vincent dahil nakatalikod siya pero pakiramdam ko ay matindi ang inis na nang isang iyon  dahil kung ako nga na nasa malayo at hindi nauunawaan ang sinasabi ng tatlo ay kumukulo na ang dugo matanaw lang ang ngisi nila yun pakayang marinig ang boses nila

"Madumi sila maglaro" mahinang bulong ni kami at tila mas kumulo ang dugo ko ng makita ang sadyang pagsiko ng isa sa tiyan ni jethro na kahit halata naman ay hindi sinita ng referee. Napatayo ako sa inis

"Hoyyy madadaya kayo nanadya na yon ohh" sigaw ko subalit walang pumansin sakin. Nag ingay ang buong court ng maka shoot ang kalaban at walang pakialam kahit na gaano kadumi ang laro nila

Tumawag ng time out si mr. Tom at pinalit muna si plee kay jethro na nasaktan. Agad kaming lumapit na mga babae at inabutan sila ng tubig.

Si jethro sana ang aabutan ko ng tubig pero hinarangan agad ako ni vincent at kinuha ang tubig na nasa kamay ko. Dipa nakuntento at kinuha pa ang face towel ko

"Wala na bang ikakapal yang muka mo?" Asar na tanong ko rito at di niya ako pinansin. Kinuskos niya lang sa muka niya ang face towel ko. AsaR ko siyang pinanood na ginagawa yon. Iniisip kung ilang patong ba ng balat meron ang muka niya sa sobrang kapal. Nag iwas na lang ako ng tingin bago pa itorture siya sa isip ko

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAМесто, где живут истории. Откройте их для себя