CHAPTER 12

319 17 6
                                    

NO ONE KNOWS

Alec pov
Habang nakatitig sa end class ay napangiti ako nagbabakasakali na pagkatapos nitong gagawin ko ay mapapaamo ko na sila. At kung tatanungin ninyo kung ano ang binabalak ko ay simple lang

Gugulatin ko ang mga tanginang ignoranteng taga main campus dahil sa nakita kong emergency bell. Plinaplano ko na pindutin ito kapag naguumpisa na ang flag ceremony. At para makaalis narin ang end class sa lugar nato tch nakakainis kasi na inaapi nila ako pero para silang alipin kapag nandito

Akmang palihim na akong pipindot ng emergency bell ng my pumigil sa aking kamay. Dumagundong ang puso ko sa kaba dahil wala pa nga akong nagagawa ay mahuhuli ng kaagad. Dahan dahan kong tiningan sino ito mapangahas na pigilan ang plano ko

"This is an example of  being immature ms Sandoval "anang ni mr tom at nanlaki ang mata ko sa kanya. Paanong?.

Napatulala ako sa kanya at napatingin sa nakapila kong mga kaklase. Don ko lang din napansin na ilan sa kanila ay nakatingin sa akin

"Mr...tom"tanging nasabi ko.

"Kung gusto mong makatulong ay mag isip ka ng mabuti. Isipin mo ang maaring mangyaring sunod at wag ka basta basta gumawa ng kilos kung dika siguradong tama ito o hindi "madiin at naka kunot noo na sabi niya sa akin.

Kaya naman wala akong nagawa kundi alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin at inirapan siya"balak ko lang naman makatulong choosy ka pa. Tingan mo oh naka black shoes ka pa pero napuputikan lang. Ang unpair kaya" kunwari ay sabi ko para takluban ang kahihiyan ko dahil na realize ko nga na immature nga ang dapat ay gagawin ko

"Ms Sandoval. Kapag ba ginawa sayo ang mga bagay na ito ay kailangan mo na ring gawin sa iba?. My pinag aralan at mayaman ka kaya ilugar mo ang kapangyarihan at pag iisip mo."sabi nito at napatulala lang ako sa kanya dahil my something na kumirot sa akin.

Ano bang ibig niyang sabihin?. Naparang wala akong pinag aralan sa binabalak ko eh gusto ko lang naman tulungan sila.

"Una nako sa classroom"ani ko at my kung ano sakin ang naiinis

"Mabuti pa nga. Dahil dika naman kasi dapat nasa end class. "Bigla ay my kupal na sumingit sa likod ni mr tom. Si Vincent sino pa nga ba edi ang yan bully na yan

Di na lang ako umimik kasi nakakasakit talaga sila sa tenga. Pag ako talaga kinailangan niyo susupalpalan ko ang bibig ninyong parepareho. Kakailanganin niyo din ako.

********
Kami POV

"Di nag iisip si palamura hayss" anang ni gio habang naglalakad kami paakyat sa bundok na kinaroroonan ng old campus

"Gusto niya lang tumulong"anang ko

"Humihingi ba tayo ng tulong. Diba hindi aishh"sabat niya at inunahan ako sa paglalakad. Mya sayad talaga tong si gio eh kahit kailan

Pag karating namin ng classroom ay tulalang nakatingin si palamura sa tanawin habang nakaupo sa tabi ng puno. Tila malalim ang kanyang iniisip at my kung anong lungkot siyang nararamdaman. Sabi naman talaga ng iba ay malungkot ang maging mag isa. Walang nagtangkang lumapit sa kanya dahil lahat kami ay binalaan ni Vincent na layuan siya dahil sa padalos dalos na siya

Kaya naman kahit gusto ko lumapit sa kanya ay di ko magagawa dahil maganda naman ang rason ni Vincent na turuan siya ng leksyon dahil sa maling desisyon niya.

Aakto kami na parang walang palamurang nag eexist..

Nag umpisa na ang klase pero tahimik lang si palamura kahit ng mag break na ay di siya kumain kaya naman nag aalala nako. Siguro ay my masasakit na salita ang sinabi sa kanya. Haysst palamura ewan ko sayo

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now