"Why is this smell so good, it smells like you" habang nagpupunas ng muka ay ani niya. Wala sa sariling namula ang pisngi ko ng muling pagbaling ko kasi sa kanya ay nakita kong sinisinghot niya na ang amoy ng face towel na yon. Natila ba adik siyang sinsinghot yon. Bahagya pang nakapikit ang mata niya

"Hoy tanga ano bang ginagawa mo. Kadiri to" ani ko at lumakad na lang palayo sa lalaking to at lumapit kay mr. Tom

"Mr. Tom madumi sila maglaro. " habang nagpupunas ng pawis ay ani ni trone na halatang nahihirapan ng pakalmahin ang kasama niya. Ramdam kong gustong gusto na nilang gumanti pero nagpipigil lang sila. At tinutulungan sila ni trone na siyang captain na kumalma kasi once na mapuno na sila at gumanti di yon palalagpasin ng referee. Siguradong disqualified kami pero sila na lantaran na pananakit ng paulit ulit ng mga taga main campus ay ok lang kasi nga may bias. Nakakakulo ng dugo

Maya maya ay naramdaman ko na may presensya sa likod ko at alam kong si vincent yon kaya diko na lang pinansin

"Sorry talaga mr. Tom diko mapigilan ang sarili ko sa kayabangan nila. Niyayabangan nila kami dilang pisikal pati salita. Kung ano ano ang sinasabi nakakapikon"bugnot na ani ni plee na halata sa mukang pikon na nga

"If you we're the one who's in the court im sure you'll be disqualified as early as you can" maya maya ay bulong na naman ni vincent na nasa likod ko pala. Walang nakarinig sa kanya dahil mahina ang pagkakasabi niya at sadyang ibinaba pa ang ulo para tumapat sa tainga ko ang labi niya at marinig ko siya

Anong pinaparating niya? War freak akoo? Agad ko siyang binalingan at masamang tiningan

"Kapal mo naman. Sino kaya ang unang  nanakal
Sa ating dalawa?" Taas kilay na sabi ko

"Ohhh is it me?" Mapaglaro ang ngisi nito sa labi nakakainis

"Ahh tatay mo siguro.. dun ka nga wag kang feeling close" inis na sabi ko at tinalikuran na siya bago pa siya makasagot uli. Pero parang tumalbog ang puso ko ng pagbaling ko sa mga kaklase ko na nakakakumpol at kay mr. Tom ay nagtama ang paningin namin ng guro. Napalunok ako dahil don.

May kung ano sa titig niya na saglit ko lang nakita dahil agad niya ding winaksi. Nagiwas siya ng tingin at binalingan ang mga kaklase namin

"Be patient, sanay na kayo sa ganyan hindi ba?"  Ani ni mr. Tom at nakakakilabot ang ngisi niya na tila ba sinasabi na hindi ordinaryong tao ang studyante niya. Na kaya nila mag assassinate. Na wala lang itong simpleng pananakit sa kanila dahil higit pa ang nagagawa nila.

Kinilabutan ako ng gumaan ang naiinis na awra ng kaklase ko dahil sa sinabi ni mr. Tom nagtayuan ata ang buhok ko sa batok.

"Treat them as your target. They will be our prey" ani bigla ni steal at nanlalaki ang mata ko na napatitig sa henyong hamog. Kinilabutan ako sa ngisi ng iba na tila ba nag aactivate na yung assassins skills nila

"Hoyyy nakakakilabot kayo wag nga kayong ganyan"  sita ko at napingon silang lahat sakin at sabay sabay silang natawa.

"Charot charot lang naman palamura high ka ngayon HAHAHAHAHHA " pang aasar ni lenster

"Naka shabu yan eh" gatong ni plee. Tunay ngang ayos na sila ni lenster. Tandem sa sila sa pang aasar.

"Ibigsabihin kasi ni mr. Tom mag enjoy lang HAHAHA sabi na ganyan magiging reaction mo ehh" si alulai. Napairap na lang ako. Parepareho talaga silang abnoy. Tumikhim naman si mr. Tom kaya natigil ang tawanan at tumingin lahat sa kanya

"But honestly class. You can take this as a practice. Habang patagal ng patagal ang mission natin alam ninyong pabigat ng pabigat ang kalaban natin. At mas masusubukan ang pasensya ninyo sa panahon na yon. Maganda ng nahahasa kayo ngayon." Nakangiti at proud na proud na sabi ni mr. Tom nagtanguan uli sila.

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now