~♪~

RHYTHM'S POV

After nang naging fiesta ay bumalik din kami sa Manila, walang nagbago sa pagtuturingan namin ni Fleur like what she requested.

"Hey, Rhythm, kita kits nalang sa MBTW later."

"Sige sige, after siguro ng practice ko," tugon ko saka napatango si Fleur sa Akin.

Umalis sila nang magkakasama at naiwan naman ako sa campus para magpractice ng piyesa na tutugtugin ko sa darating na fiesta.

Ilang araw na lang kasi ang natitira bago yung grand fiesta, intermission ako at susunod sa mga performance ng mga sumali sa pageant.

Thankful ako dahil sa Grand Fiesta ako magpeperform at marami ang makakarinig ng music na ibabahagi ko sa kanila. Ang pageant kasi ang main lights ng Grand Fiesta kaya naman marami ang manonood.

"Good luck," natigil ako sa paglalakad nang makita ko yung professor ko.

"Thank you, sir!"

Pumunta ako sa music room saka pumunta kung nasaan ang piano. Halos doon ko ginugol ang oras ko hanggang sa sumapit yung oras kung saan napagdesisyunan ko nang umalis.

Ginamit ko yung sasakyan na binigay ni Papa sa Akin nung bumisita ako sa probinsinya. Minaneho ko yung sasakyan at saka tinahak ang mga kalsada papunta sa MBTW.

Pagdating ko doon ay nagsisimula nang magpatugtog ang banda nina Pete. Pero hindi ko nakita si Mavis na kasama lang nila kanina na umalis papuntang cafe.

Wala sila sa good condition, silang, wrong keys, hindi sila in unison.

Pagkatapos na pagkatapos ay nagmamadali silang bumaba ng stage. Doon naman ako nakita ni Tyron saka niya ako hinablot sa balikat saka anim kami na umalis sa loob ng cafe.

"Teka, teka, ano bang nangyayari? Bat natataranta kayo?"

"Nasa hospital ang Lolo ni Mavis and we need to go and be at her side," sabi sa Akin ni Fleur dahilan para tumango ako saka kami pumunta sa mga sasakyan namin. Nakamotor si Willy at Drake, nakasasakyan si Pete, Fleur at ako. Si Tyron naman sa motor niya sumakay.

Pumasok kami sa hospital, at nagtanong bago kami pumunta kung nasaan si Mavis.

Doon namin siya nakitang umiiyak. Masyado atang panic ang naramdaman niya.

Lumapit kami sa kaniya at pinatahan siya kahit papaano hanggang sa bigla nalang siyang nangyakap saka umiyak sa may dibdib ko.

"Tahan na, magiging okay din si Lolo," sabi ko sa kaniya.

Hindi rin masyado nagtagal nang lumabas ang doktor at ang mga kasama niyang nurse, "Nasa mabuting kalagayan na ang lolo mo, pahinga nalang ang kailangan niya, siguro sa ilang mga araw as long as maiinom ni tatay ang mga gamot, makakalabas na din siya rito."

"Salamat po."

It was all good, it was.. But then..

~♪~

Music behind the Wall (Oneshot:Tagalog Ver.)Where stories live. Discover now