~♪~

RHYTHM'S POV

"Really? Congratulations, Rhythm!" Bati sa Akin ni Mavis sabay yakap.

Few months na din ang makalipas nang malaman ko na siya pala yung babaeng kaduet ko sa pagtugtog ng piano. And because of that, naging masyado kaming close ni Mavis.

"Ansakit niyo masyado sa mata," komento ni Tyron habang kumakain ng popcorn.

"Pero congrats, tol. Akalain mo yun, napili kang magplay ng piano sa opening sa Fiesta," banggit naman ni Drake na tutok na tutok sa movie na pinapanood namin.

"Siyempre naman, siya kaya nanalo sa Musicals," banggit naman ni Willy.

"Pati nga ako natalo niya," Pete mentioned.

"Mas magaling ka pa din sa akin. Anyways, nasaan si Fleur? Kanina Pa siya wala ah," sabi ko naman saka nilingon so Fleur.

"Di ka Pa nasanay, maaga talaga natutulog yun, kaya baka tulog na yun," sabi naman ni Tyron saka naman napahikab si Mavis.

"Inaantok na din ako, sige nightie guys."

"Night!"

"Good night, Mavis my labs."

Napatingin kami kay Tyron na tinawanan lang ni Mavis.

"Ansakit nun Par, okay ka lang?" Tawang tanong ni Willy dahilan para mabato siya ng unan ni Tyron saka na kami nagtawanan.

"Aba malamang, mas may pag-asa nga tong si Rhythm kay Mavis kesa sakin, eh." Banggit niya para matigilan ako. "Ha? Ako?"

"Ay hindi, si Drake. Rhythm nga diba, edi malamang na ikaw."

"Tongek ka ba? Bat pati si Rhythm sinasali mo?"

"Halata kaya sa galaw ni Mavis na may gusto siya kaya Rhythm. Dibale, naiintindihan ko naman turing ni Mavis sakin, saka boto naman ako sayo. I think kung may magiging boyfriend man si Mavis mas gugustuhin ko Pa na kay Rhythm siya mapunta."

"Bastos ka ah, you mean ayaw mong makatuluyan namin si Mavis kasi masama kami ganun?" Pabirong reklamo ni Willy.

"Well, kung ganun turing mo, oo siguro." Pabalang na sagot ni Tyron para magkagulo na naman sila at saka na ako sumali nang may nabatong unan sa mukha ko.

Di ko muna inisip yun masyado kasi baka iba lang ang mga napapansin ni Tyron, lalo na may gusto siya kaya Mavis kaya siguro iba iba ang mga napapansin niya na nakapaligid sa kaniya.

Kinabukasan naman noon ay sumama sila sa pagbalik ko sa probinsya namin. Doon nila nakilala ang papa ko at saka ang mga kapatid ko.

Medyo malaki na si Lyra at sa sobrang daldal ni Melody, kung ano ano ang nakukwento niya tungkol sa Akin sa mga kaibigan ko.

Umuwi ako dahil sa break at saktong may maliit na fiesta sa probinsya namin. Kasama si Papa sa nagpe-prepare kaya tumulong na din kami.

"Rhythm."

Lumingon ako at nakita si Fleur na . "Yes?" Tanong ko rito.

"Pwede ka ba makausap nang sandali? May sasabihin lang ako."

'Kung ano man ang sasabihin niya, hindi maganda ang kutob ko.'

~♪~

Music behind the Wall (Oneshot:Tagalog Ver.)Where stories live. Discover now