~♪~

Rhythm's POV

Nasa loob ako ng library at nagbabasa para sa mga magiging lesson ko sa iba ko pang subjects. Mas makakabuti kapag meron akong stock knowledge para Hindi ako nahuhuli sa lessons. Napatigil ako sa pagbabasa nang may lumapit sa Akin na isang lalaki.

"Hi, Rhythm right?" Ani niya saka umupo sa upuan ng kabilang dulo ng lamesa. "I'm Peter, just call me Pete. Classmate mo'ko sa isa nating subject kaninang umaga. Nice to meet you," sambit niya sa Akin at inilahad ang kamay niya para makipag shake hands.

Tinugunan ko naman iyon at nakipag shake hands din sa kaniya.

Parehas kami ng kurso na kinukuha and napag-alaman ko rin na mahilig siya tumugtog ng bass. Sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa hilig ko sa piano, Hindi naman kasi sikreto iyon so why not share it with him. Nabanggit niya na may mga kabarkada siya na mahilig din sa music at tumutugtog ng mga instruments.

Inaya niya ako sa tambayan nila at pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. "Guys, siya yung sinasabi ko sa inyo. His name is Rhythm."

Anim sila lahat kapag isinama ko si Pete sa bilang. Si Fleur, Tyron, Drake, Willy, Mavis at Pete. Madalas daw silang ruma-rocket sa mga restaurant para mag-perform as a band. Kung Hindi man sa restaurant, ay sa mga grill house sila pumupunta at kapag may oras pa naman sila ay sina-sideline nila ang pagiging street performer.

"Pre, mauna na kami," sambit ni Tyron sa Akin at saka sila naglakad Pa alis. Mag-a-alas sais na nang madismiss kami sa iba't iba naming mga subjects. Sumakay sila sa sasakyan ni Drake dahil may gagawin pa daw silang performance. Naiwan naman ako sa waiting shed para maghintay ng masasakyan pauwi.

Wala rin naman akong choice kundi mag-commute dahil wala naman akong dalang sasakyan nang dumating ako dito sa Manila.

Hindi rin nagtagal at nakasakay din ako at nakauwi na ng apartment. Pagkapasok na pagkapasok ko ay inihagis ko ang bag ko sa kama at dumerecho kung nasaan ang keyboard.

Hindi naman sa ayoko ng keyboard pero mas maganda pa rin ang grand piano. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ung tumugtog ng piano nung nakaraang araw.

Napahinga nalang ako ng malalim at saka nag-isip kung ano ang pwede kong tugtugin. Not until nag pop out nalang sa isip ko yung favorite piece ni Mama.

Moonlight Sonata.

It was the piece that my mom always play on the grand piano at the music room sa bahay nang nabubuhay pa siya. Ito na kasi ang nakagisnan kong piece na tinutugtog para sa kaniya when she become immobilized on playing the piano.

I took a deep breath and closed my eyes. Then, I started to press the keys of the piece, enjoying myself with the music this keyboard produces.

Bigla akong napamulat nang biglang may sumabay sa akin. I slowed down my pace at hininaan ng konti yung sa akin para maka adjust ako ng konti. At nang maka-adjust ako ay sinabayan ko ang rhythm ng pagtugtog niya ng piano.

Nang matapos namin ang pagpapatugtog ay nakarinig ako ng boses mula sa kaniya, "Well played."

'Babae?,' tanong ko sa sarili ko. Hindi ko in-exepect na babae pala ang ka-duet ko. "Sayo din," sagot ko rito.

~♪~

Music behind the Wall (Oneshot:Tagalog Ver.)Where stories live. Discover now