~♪~

RHYTHM'S POV

Nagpatuloy ang pagtugtog naming magkasama ng babae na nasa Kabila lang ng apartment kung saan ako nanunuluyan.

Ilang linggo na din ang nakalipas, pero ni isang beses ay hindi ko pa nakita siya nakikita o kahit malaman man lang ang kaniyang pangalan. Ayoko naman na tanungin sa Land Lord ang pangalan niya dahil baka magmukha akong stalker at ma- invade ko pa ang privacy niya.

Umalis ako ng apartment at pumunta sa Local Book Store, kailangan ko kasing bumili ng reference book sa isang subject namin. Masyadong strikto ang professor namin kaya kailangan kong pagbutihin ang subject ko sa kaniya. Habang nag-iikot sa loob ng bookstore ay napadpad ako sa fiction section at nakita ko ang isang fiction book familiar ang author kaya kinuha ko iyon sa shelf. Just as I thought, yung Music behind the Walls nga.

Tungkol yun kay Elias Ken Von Richthofen, isang kilalang magaling na pianist sa Imperyo ng Equaline na may happy ending sa kwento tungkol sa love story niya sa prinsesa ng Kaharian ng Zephyr.

Magkaaway ang Zephyr at Equaline pero Hindi naging hadlang iyon kay Elias para ipaglaban ang pag-iibigan nilang dalawa ng Prinsesa kahit pa ang maging kapalit ay ang pagtataksil niya sa kaniyang sariling bayan.

Tumakas silang dalawa at nanirahan malayo sa dalawang imperyo. Nagkaroon sila ng pamilya at nanirahan ng payak at mapayapang buhay.

Music behind the walls ang naging title dahil ang tanging paraan para magkita ang prinsesa at si Elias ay ang pagpunta sa malaki at matataas na walls na nagsisilbing border ng Zephyr at Equaline. Madalas din silang magpatugtog sa isa't isa.

"Ahh..! Wala nang kopya, sayang naman."

Agad nabaling ang atensyon ko sa babae na ngayon ay nasa tabi ko. Nakatingin siya sa shelf kung saan ko kinuha ang libro. "Rhythm, hey ikaw pala yan," napalingon naman ako pati na rin ang babae na nasa tabi ko saka ko naman nakita si Fleur na papalapit sa amin.

"Rhythm?" Anas ng babae saka kami nagkatinginan sa isa't isa saka napatingin kaya Fleur.

"Ah hindi mo pa pala kayo nagkakakilala, by the way, Rhythm ito si Mavis yung Isa Pa naming barkada and Mavis ito naman si Rhythm yung kinukwento namin sayo."

"Ah, hi nice to meet you! Andaming kinukwento nina Fleur about you kaya I was so excited to finally meet you," she said and then smiled.

I won't lie, ang ganda niya. Medyo maikli ang buhok niya na hanggang balikat lang niya at may bangs din, kung siguro magkakaroon ng movie ang Music behind the walls, bagay na bagay niya yung role ng prinsesa.

"Uhmm, hello?"

Saka ko nalang napansin na nakatitig lang pala ako sa kaniya kaniya nagkunwari ako na umubo atsaka ngumiti.

"I'm Rhythm, nice to meet you too. I was curious about you since they've been telling a lot of stories about you," sabi ko naman saka nakipagkamay sa kaniya.

"Glad to know na nagkakasundo kayo, let's go eat? Uh, nakita mo na ba yung book, Mavis?"

"No, wala na ata."

"Uhm, what book ba yung hinahanap mo, maybe I could help?" Suhestyon ko naman.

"Well, hinahanap ko kasi ung Music behind the walls. Kaso naubos na ata, alam mo naman ambilis maubos yung book na yun."

"You can have this, I have a book of this at home kaya you can have it," I said and gave to book to her.

Her eyes then shined as she took the book off my hand, sobrang saya niya as if na ito yung last book na mahahawakan niya sa buong buhay niya. "Thank you very much, Rhythm!"

Nagulat ako nang bigla siyang tumalon saka yumakap sa akin. That was very uncomfortable, honestly.

I saw Fleur facepalmed saka hinablot yung damit ni Mavis mula sa likod, "Susme ka, you're making Rhythm uncomfortable. Thank you lang, wag ka na mangyakap."

"Ehehe, sorry, medyo nasiyahan lang ako ng sobra," aniya saka bahagyang kinamot ang pisnge gamit yung point finger niya.

"May medyo bang sobra? Tara na nga. Ay, ikaw Rhythm? Sama ka?"

"Saan?"

"MBTW Cafe."

~♪~

Music behind the Wall (Oneshot:Tagalog Ver.)Where stories live. Discover now