Nakatanggap ako ng hampas sa braso matapos kong sabihin iyon.

"Puro ka kalokohan."

"Talaga? Edi hindi ka na mawawala niyan?"

Nagkatawanan kaming dalawa.

Sa kabila ng pangamba sa posibleng mangyari habang nasa loob siya ng operation room at ino-operhan ay nakaramdam ako ng saya.

Dahil buong buhay ko ay hindi ko naramdaman na mayroong nakakaintindi sa akin. Maliban sa kapatid kong matagal na akong walang balita dahil pati koneksyon naming dalawa ay naputol na.

Nag-iisa lang si Lola. Kaya mahal na mahal ko siya.

"Matatapos din kaagad ang operasyon ko. Kumain ka muna at lumanghap ng sariwang hangin sa labas."

"Huwag niyo na po akong alalahanin. Basta, magpagaling po kayo."

Tumango sa akin si Lola. Hindi ko maipaliwanag ang mas pagbigat ng dibdib ko sa mga oras na ito.

Pero kahit ganoon ay pinilit kong maging matatag para sa kaniya.

Kung siya nga ay positibong magiging ayos lang ang lahat. Dapat ganoon din ako.

"Huwag ka na ring mag-alala. Magagaling ang mga doctor sa hospital na ito kaya naman may tiwala akong magiging ayos ang kalalabasan ng operasyon."

Matapos niyang sabihin iyon ay nagsalita na ang nurse na magpapasok sa kaniya sa loob ng OR.

"Kailangan na naming pumasok."

Tiningnan ko siya at tinanguan.

Kumakaway rin kami sa isa't isa habang ipinapasok siya sa loob ng kwartong iyon.

Kitang-kita ko pa ang malawak na pag-ngiti niya dahil positibo siyang matatapos ng maayos ang operasyon sa kaniya.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay nakaramdam ako ng gutom.

Nakalimutan kong hindi pa ako kumakain ng umagahan dahil sa sobrang panicked ako kanina noong papunta na kami ng hospital.

Pumunta ako sa isang convenience store na malapit lang sa hospital at nagpalipas n oras doon.

Ang sabi ni Lola ay aabutin raw ng mahigit apat na oras o higit pa ang operasyon sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung bakit ganoon katagal pero iyon ang sabi niya.

Lumipas ang isang oras at naisipan kong bumalik na sa hospital. Hindi ako pupwedeng magtambay sa loob ng convenience store ng matagal kaya naman kinailangan ko ng bumalik.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay mabilis ang naging pagkilos ko para tumabi sa daan.

Mayroon kasing kararating lang napasyente na duguan at mukha pang estudyante.

"Sa ER tayo!"

Namamadaling sigaw ng lalaking doctor na nakapatong sa ibabaw ng studyanteng iyon na pilit niyang nire-revive.

Maraming nagkalat na dugo ang pumatak sa sahig ng hospital. Para bang ilang timba na ng dugo ang naubos sa katawan ng lalaking iyon.

"Narinig kong kamag-anak raw ng director ng hospital yung binata kanina."

"Talaga? Ipanalangin natin na makaligtas siya."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan ng mga nadaanan kong nurse habang pabalik sa OR. Nanatili akong naka-upo mag-isa sa upuang para sa mga kamag-anak ng mga pasyete at hindi mapigilang mag-isip.

Halos kasing edad ko lamang ang lalaking iyon. Sa sobrang dami ng dugong nawala sa kaniya... makakaligtas pa kaya siya?

Mabilis akong napatayo ng bumukas ang pinto ng OR.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now