Habang nagsasayaw kami bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko kaya agad akong tumigil at umatras ng kaunte palayo sa kanila upang di nila ako mapansin.

"Not now!" kinakabahang sabi ko sa sarili ko sabay hawak sa may dibdib ko

"Please! Not now!" sabi ko nalang dahil sa nararamdaman ko na yung pagsikip ng dibdib ko

"Lord, please wag naman sana ako magka asthma attack dito" kinakabahang sabi ko sa sarili ko then after that biglang naglabas ng usok yung smoke machine dito sa may dance floor but the worst part is may ibang amoy yung lumabas na usok na mas lalong ikinahirap ko sa pag hinga

I'm sensitive in strong scents like this kasi ito yung nag trigger sa asthma ko.

Habang hawak hawak ko yung dibdib ko ay minabuti ko nalang maglakad palabas ng events hall dahil sa hindi ko na talaga kaya yung amoy sa loob.

Hindi ko na rin nasabihan yung mga kasama ko dahil sa pagmamadali kung lumabas.

"Not now!" naiiyak na sabi ko habang naglalakad papunta sa may pinto na nakita ko pagkalabas ko ng events hall and I think that's the fire exit

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil na rin sa sobrang nahihirapan na akong huminga.

"Bakit ngayon pa talaga kung kailan di ko dala inhaler ko!" umiiyak na sabi ko sa sarili ko habang naka hawak sa may dibdib ko

Pag pasok ko ng fire exit ay agad akong umupo sa may hagdan at sumandal sa may pader.

I can't help it but cry dahil sa sobrang nahihirapan na ako sa pag hinga.

I can't even call my siblings since my phone is in my bag, and I didn't even think of going back to our table to get my bag since nagmamadali na nga akong lumabas.

"Use this!" out of nowhere na sabi ng isang lalaki tapos pag lingon ko ay bumungad sa akin si Kyle na may inaabot na inhaler

What is he doing here?

"Let me help you!" seryosong sabi nalang niya tsaka siya umupo sa tabi ko na mas lalo kung ikinagulat because he is helping me use the inhaler

After helping me use the inhaler, he's tapping my back to help me ease the pain, but I couldn't help but cry since nahihirapan pa rin ako.

Yes, gumaan naman kahit papaano yung sikip ng dibdib ko pero nahihirapan pa rin talaga ako sa paghinga.

"I really want to go home!" yan ang tanging nasambit ko sa kanya while he's patting my back and dahil sa nafefeel ko na nanghihina na ako, mas minabuti ko nalang sumandal sa balikat niya

"Should I bring you home?" tanong niya sakin tapos tumango lang ako while tears keeps on falling from my eyes

"Please!" sagot ko sa kanya and after that I just close my eyes

THIRD PERSON's POV:

Busy nang nag party ang lahat ng senior students sa may event hall samantalang si Kyle ay naiwang mag isa na naka upo sa kanilang table.

"You should join us!" pag aya ni Ernest kay Kyle pero hindi ito sumagot kaya naman umupo si Ernest sa tabi nito

"Is this about her again?" seryosong tanong ni Ernest kay Kyle at sabay silang lumingon sa kinaroroonan ni Ysabel na kasalukuyang kasama si Raven sa may table nila

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu