CHAPTER 22

92 5 0
                                    

THIRD PERSON's POV:

Habang naglalakad si Yvon papunta sa kwarto ni Ysabel ay napansin niya si Kyle na sumisilip sa may glass mirror ng pinto nito. Kaya agad namang lumapit si Yvon sa kanya.

"You can spend 2 days with her! Since our parents went to Japan to sign some papers" biglang sabi ni Yvon na siyang ikinagulat nito

"I'm leaving!" sagot ni Kyle at akmang aalis na pero hinawakan ni Yvon yung braso niya para pigilan siyang umalis

"I know you want to be with her, Kyle! You don't need to hide it because it's so obvious" seryosong sabi ulit ni Yvon tsaka niya binuksan yung pinto ng kwarto ni Ysabel para papasukin si Kyle

"Baka mamaya makita ako ng lolo at lola mo" kinakabahan na sabi ni Kyle nang makapasok na ito sa loob ng kwarto ni Ysabel

"Umuwi na sila" naka ngiting sagot ni Yvon na siyang ipinagtaka ni Kyle

"Andito lang sila kanina! I saw them" nag tatakang sagot naman ni Kyle

"They know you're here kaya umuwi na sila!" pag papaliwanag ni Yvon sa kanya

"They're not angry at me?" tanong ni Kyle

"Do you want to know something?" tanong ni Yvon kay Kyle kaya tumango ito

"My mom is the only daughter of Mamu and Papu and my mom is just like my sister! To make it clear, pareho ang personality ni Ate Ysabel kina Mommy, Mamu at Papu" pag papaliwanag nito kay Kyle

"They're angry at first and after ng ilang araw okay na sila" sabi ulit ni Yvon kaya ngumiti si Kyle

"Parehong pareho lang sila kay Ysabel" naka ngiting sabi ni Kyle

"Exactly! Siguro dahil na rin siguro lumaki si Ate Ysabel sa piling nila Mamu at Papu. Some people in Cavite thought Ate Ysabel is their youngest daughter" naka ngiting sabi ni Yvon

Naglakad palapit si Kyle sa kinaroroonan ni Ysabel at nang makita niya na ng malapitan si Ysabel ay hindi niya maiwasang maluha. Dahil para bang nawawasak ang puso niya kapag nakikita niya ang kalagayan ni Ysabel.

"She's still not waking up!" lumuluhang sabi ni Kyle habang naka tingin kay Ysabel

"The doctor said that God provided us a big miracle because her condition improved in just a month. Normally daw kasi umaabot ng halos 3 months or years bago magkaroon nga brain activities ang mga coma patients and sometimes they just give up because there's no chance that they will wake up" seryosong sabi ni Yvon kay Kyle habang pareho silang naka tingin kay Ysabel

"It's been so long!" nanginginig ang boses ni Kyle habang naka tingin kay Ysabel

"I know it's been so hard for you!" naawang sabi ni Yvon kay Kyle pero umiling lang ito

"I deserve all of it!" sagot ni Kyle dito

"I know Ate Ysabel will never agree to what daddy wants! That's why she really needs to wake up" worried na sabi ni Yvon kaya ngumiti lang si Kyle

"Tama lahat ng sinabi nila tungkol sakin! I'm incompetent! I don't deserve to be with her because I can't even protect my own family" naiiyak na sabi ni Kyle

"Don't blame yourself too much, Kyle! You only did the things that you think is right! Everything happened for a reason and all of it is totally unexpected" mahinahon na sabi ni Yvon sa kanya

Sinusubukang pagaanin ni Yvon ang loob ni Kyle dahil alam nitong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. At alam niyang si Ysabel ang isa makakapag pagaan ng loob nito kaya niya ito tinulungan na makasama si Ysabel kahit saglit man lang.

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now