CHAPTER 48

61 4 0
                                    

YSABEL's POV:

"Class, have you all watched Bridgeton?" tanong ni Sir Nate samin tapos sumagot naman yung mga iba naming classmates

"The reason I'm asking is because what we're doing today is related to that series" pag explain ni Sir Nate samin

"It's a dance with which some of you might not be familiar, but it is called "Quadrille," which was named for its four couples that form the sides of a square and seems to have begun as a French country dance" pag explain ni Sir Nate saming lahat

We're currently here in the gymnasium for our PE class, and it's about dancing.

"Okay, then let's start the class! All of you stand up now and start looking for your partners" sabi ulit ni Sir Nate kaya nag sitayuan na kaming lahat

"By the way, by pairs ito ha and it should be by class number, and look in the monitor kung hindi sure yung iba sa class number nung iba niyong classmates para mas madali niyong mahanap yung partners niyo" sabi ulit ni Sir Nate tapos biglang lumabas yung list of class sa malaking screen dito sa gymnasium at kitang kita ko agad yung pangalan nung partner ko na naka tapat sa pangalan ko

"Sulit na sulit mo yung seatmate mo ah" mapang asar na sabi ni Joseph sakin habang naka tingin doon sa may screen

"Ang lakas naman mong sabihin yan! Akala mo gusto ng bestie ko maging seatmate at partner yang pinuno niyo" naiinis na sagot naman ni Jessica sa boyfriend niya

"Be nice, Jessica!" suway ko kay Jessica kaya ngumiti lang ito

Syempre parehong "8" ang class number namin ni Kyle since parehong "F" first letter ng surname namin at tsaka seatmates pa kami kaya malaki talaga ang chance na pareho ang class number namin.

"Okay, class, settle down if you've already found your partner" sabi ulit ni Sir Nate tsaka ito biglang tumingin sakin

"What are you still doing, Ms. Ferrer?" tanong sakin ni Sir Nate dahil sa hindi pa rin ako lumalapit dun sa partner ko, hindi dahil sa nahihiya ako or ayaw ko siya maging partner kundi dahil sa hindi ko alam kung pano ako lalapit kasi sa hindi pa lumalayo sa kanya yung girlfriend niya

Isang dahilan rin talaga ay yung naiilang ako kay Lei dahil na rin doon sa nangyaring nung isang araw kaya hindi ako makalapit sa kanila.

Actually, nagulat rin ako sa inasta ko nung araw na iyon, but I don't regret fighting back because I will never let anyone insult my best friend.

"And you also Ms. De Vera" sabi ulit ni Sir Nate kay Lei na naka tayo sa tabi ni Kyle

"But I want Kyle to be my partner" maarteng sagot naman ni Lei kaya biglang nag seryoso yung mukha ni Sir Nate

"Is your class number the same as his?" seryosong tanong ni Sir Nate sa kanya

"No!" mataray na sagot naman ni Lei

"Then I'm sorry to disappoint you, Ms. De Vera, but he can't be your partner because what I said was clear that the pairs should be by class numbers" seryosong sagot ni Sir Nate kaya hindi na nakapagsalita si Lei

"So go now to Mr. Castañeda para makapag umpisa na tayo!" sabi ulit ni Sir Nate dahil sa walang talab ang pagtataray ni Lei at naka simangot nalang ito na naglakad palapit kay Raven

"You can go to your partner now!" sabi naman ni Sir Nate sakin tapos tumango nalang ako at naglakad palapit kay Kyle

Sa totoo lang nailang rin ako kay Kyle dahil first time ko siya makitang magalit nung araw na iyon.

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now