CHAPTER 23.2: Memory Lost

102 5 0
                                    

YVON's POV:

"Who are you?" biglang sabi ni Ate Ysabel habang naka tingin kay Kyle na siyang ikinagulat naming lahat na andidito ngayon sa room

Wait lang!

Did she say who are you??

"I'm asking who are you?" seryosong tanong ulit ni Ate Ysabel habang hindi pa rin nag seek in kay Kyle yung nangyayari ngayon

"And why are you holding my hand?" nag tatakang tanong ulit nito kay Kyle tsaka niya tinanggal yung kamay ni Kyle na naka hawak sa kamay niya

"Bro, it's not good to hold a someone's hand without their permission and most especially when you're a stranger" seryosong sabi ulit ni Ate Ysabel na mas lalong ikinagulat naming lahat

Wait!!

What??

Bro? Stranger?

"Your sister is kind of acting weird" mahinang bulong ni Jessica sakin dahil sa hindi pa rin talaga nag seek in samin yung nangyayari ngayon dito

Is she having an amnesia? AGAIN!?

Feeling ko naging totoo yung sinabi nung doctor na may chance na magkaroon siya ng amnesia because of the accident.

Look at her now, she doesn't even recognize her own husband.

Yung naka tulala kaming lahat dahil sa sobrang gulat sa mga nangyayari ngayon. Yung imbes na matuwa kami kasi gising na siya pero napalitan yung tuwa namin nang pag aalala dahil sa nangyayari ngayon, dahil sa wala siyang maalala.

"Where am I, Yvon?" biglang tanong niya sakin na siyang ikinagulat ko

"Do you know me?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya kaya biglang nag salubong yung kilay niya habang naka tingin sakin

"How can I even forget the person who has the same parents as I am!" sagot niya sakin kaya naman naka hinga ako ng maluwag pero bakit hindi niya makilala si Kyle

"By the way, are they your friends?" biglang tanong niya ulit sakin habang naka tingin kina Jessica, Allyssa, Joseph at Ernest na kasalukuyang naka tayo sa tabi ko at hanggang ngayon shock pa rin sa mga nangyayari

"You don't remember us?" naiiyak na tanong ni Jessica kay Ate Ysabel na siyang ipinagtaka nito

"Did we ever met before? Because I think this is the first time I saw all of you" nag tatakang sagot niya sa kanila

"Oh my god!" naiiyak na sabi ni Jessica kaya naman hinawakan ni Joseph yung kamay niya para pakalmahin

"By the way where's Mamu and Papu? They must be so worried about me" sabi niya ulit sakin kaya ngumiti nalang ako dahil sa hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Habang naka tayo kaming lahat dito sa harapan ni Ate Ysabel ay biglang pumasok si Yvan kasama ang parents namin pati na rin sila Doctor Palafox at Doctor Bernardino.

"Kids, can you all wait outside?" seryosong sabi ni Daddy kina Jessica kaya tumango lang silang lahat tsaka na sila lumabas kasama si Kyle tapos kami ni Yvan ay naiwan dito sa loob ng room kasama sila Mommy at Daddy

"Mom, she's acting very weird!" naguguluhang sabi ko kay Mommy

"What are you saying?" nag tatakang tanong ni Ate Ysabel sakin dahil sa narinig niya yung sinabi ko kay Mommy

"She doesn't remember anything! She's kind of acting weird!" worried na sabi ko ulit kay Mommy kaya hinawakan nalang niya yung kamay ko

"Let the Doctor talk to her!" mahinang sabi nalang ni Mommy sakin kaya tumango nalang ako

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now