Chapter 15: Through Enmity Shall Awaken Thyself Part II

19 0 0
                                    

"I am Venice, the beast of distortion, a nine-tailed fox."

"And I am Alice, the Outworld God."

Napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahan na magtatagpo ang kanilang landas sa ganitong lugar. Si Venice na dating realm guardian kagaya ni Quilya, at si Alice. Ang Alice na minsan na nilang kinalaban.

"Anong. . . ginagawa niyo rito? Paano kayo napunta sa lugar na ito?" natataranta niyang tanong. Humakbang ng isang beses si Alice na may nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi dahilan upang mapaatras siya.

Nang mapansin nitong natatakot sa ginawa niya ay lumingon siya sa kaniyang kasama.

"Should we tell her?" tanong niya rito na ikina-iling naman ng huli.

"Tinatakot mo yung tao, Alice. Tigilan mo muna 'yan. Balibagin kita, ano?" pagbabanta pa niya.

Para silang mga bata na nagbabangayan na parang walang tao sa harap nila. Si Aeriah naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita. Tulala lang itong nakatingin sa kanila.

"What should we call you?" mahinahong tanong ni Venice sa kaniya. Maamo ang mukha nito. Kapansin-pansin ang makinis niyang balat at ang mapupungay na mga mata.

Bahagyang nawala ang takot nito habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya. Tsaka siya sumagot, "Aeriah. My name is Aeriah."

"Alright! Ayaw ko rin namang malito kase parehas kayo ng pangalan. Teka, Alice, lapit ka nga rito dali,"

"Ha? Bakit?"

"Basta! Lapit ka bilis!"

Seeing both of them act and treat each other instantly reminded her of Quilya. But she shook her head at the thought. She couldn't faze out in front of an enemy, and a former realm guardian she didn't know about.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nakikita. Hindi man niya kilala si Venice, pero alam niyang hindi basta-basta itong si Alice ayon sa mga narinig nito sa mga kuwento ni Alec kahapon noong nasa kastilyo pa sila ng Maurgriann.

"Ano nga kasi?" iritableng tanong ni Alice kay Venice na abot tainga ang ngisi. Para silang mga bata kung tutuusin.

Sa isip ni Aeriah, kung hindi lang sana kaaway itong si Alice, maluwag sa kalooban nito na maging isang kaibigan niya. Pero imposible na mangyari ang bagay na iyon. Kahit pa wala siyang maalala, kahit pa wala siyang masiyadong alam sa pagkatao ni Alice, tiyak niyang malabo na magiging kakampi nila ito balang araw. Kasi nga sa una pa lang, bakit niya naman iyon iisipin gayong alam naman niyang kaaway ito ng mga realm guardian?

"Lapit ka sa kaniya," utos ni Venice na halos ikina-ngalit nito. Pero sa huli ay padabog niya pa rin itong sinunod. Samantalang si Aeriah naman ay hindi mapakali.

"Just allow her a moment, kid. Ako na ang bahalang magpapaliwanag sa'yo tungkol sa lugar na ito," sabi niya rito habang nagsasalubong ang mga kilay. "damn it! Kung alam ko lang sanang matatalo niya pala ako sa chess, hindi na sana ako pumayag makipag-duwelo," dagdag niya pa sa naiinis na boses.

"Ah-ah, enough whining, Alice. May bisita tayo."

"Shut up and do what you want!"

Venice giggled playfully as if mocking her. Si Alice naman ay tila ba'y umuusok na sa sobrang inis.

"Pasensiya ka na, Aeriah. Bukod sa maingay siya kasama, mainitin talaga ulo niyan," kuwento niya. "anyways, pinagtabi ko lang kayo kasi kase parehas kayo ng pangalan. Though, I'd rather call you Aeriah. Ayaw kong malito kayo or ako sa tuwing tatawagin ko kayo. Do you get what I'm saying?"

Tumango sa kaniya si Aeriah habang si Alice naman ay walang imik. Halatang hindi interesado sa pinagsasabi ni Venice na ngayon ay mataimtim silang ino-obserbahan mula ulo hanggang paa. Nang matapos ay pumalakpak ito ng isang beses.

Whispers Of The Wind (Guardians Series Part I)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt