Chapter 24: The Fundamentals of Magic

22 2 0
                                    

"Good morning!" Masiglang bungad ni Marreanne pagkagising ko pa lang.

"Anong meron?" tanong ko. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok at pinunasan ang mga natuyong laway sa magkabila kong pisngi gamit ang maliit na handkerchief na binigay ni Marreanne.

"Wala lang. Ang panget mo pala pag bagong gising," deretsang sabi niya.

Ouch.

"Maganda ka lang," sabi ko naman sa kaniya pabalik at umirap. "Ligo lang ako," paalam ko.

"Sige."

Maaga akong nagising ngayon. Maaga kasi yung alis ni Quilya. Kagaya nga ng sabi niya kahapon, busy na siya. Ayon sa narinig ko, sa bayan ng Creles ang punta nila kasama sina Larberon at Scarlette. Kaming dalawa lang ni Reanne ang maiiwan dito sa Treianes para may kasama ako habang wala sila.

Saktong kakalabas lang ni Quilya habang nakatapis ng puting tuwalya pagkarating ko sa labas ng bathroom.

"Malamig ba?" tanong ko rito.

"Inaatake ka na naman ng pag-ka kambing mo?"

"Grabe s'ya, nagtatanong lang naman," nakasimangot na wika ko pabalik.

"Oo, malamig."

Ang lamig nga. Pagkapasok ko palang sa bathroom, ramdam ko na agad ang lamig ng tubig sa tingin pa lang. Kaya ko ba 'to?

"Ngi, Outworld God, takot maligo," panunukso ni Quilya. Andiyan pa pala siya. Pinanliitan ko siya ng mata at sinara ang pinto ng bathroom. Narinig ko pa siyang tumawa sa labas. "Bilisan mo d'yan, ha? Hihintayin kita sa labas."

"Yes, madam."

Talagang bibilisan ko 'to. Isang buhos lang tapos na ako.

Paglabas ko, nandoon na pala silang lahat sa sala nakatipon, handa na sa pag alis. Saglit kong tinitigan si Scarlette na kahapon ko pa hindi nakita. Katabi nito ang isang lalake na may maputlang balat na parang kagagaling lang. Wait, is that her younger brother?

"Ri, tapos ka na?" tanong sa'kin ni Quilya. Tumango lang ako bilang tugon. Lumapit siya sa'kin. "That's Louxe, the guardian of fury. He'll be staying here sa Treianes dahil kagagaling niya lang. Hindi naman kami magtatagal, babalik din agad kami."

"Ingat kayo," bulong ko rito.

Napangiti siya tsaka sinabing, "Don't worry, Ri. Once everything is over, pupunta tayo sa Morsenia. You'll find most of your answers there. Just wait for me, and focus on your training, okay?"

"Yeah. I'll be stronger by the time you guys are back."

That's easier said than done.

After we see them off, Raflyn came just a few minutes after. Nagpaalam na ako kay Marreanne na umalis matapos kaming mag-almusal.

"Before we start, how are you feeling?" she asked.

"I'll be honest, I'm still not prepared, both mentally and physically," walang sigla kong sabi sa kaniya. Mahina siyang napatawa.

"Well, I understand. But there's no such thing as being prepared in the face of warfare. Anytime, you could get attacked and be killed and you wouldn't know. This is your first day, so don't worry. Hindi kita bibiglain. We'll start with the basics. I am going to teach you the fundamentals of magic. But first. . ." lumapit siya sa akin at marahang hinila ang kamay ko. "We have to go somewhere else safer. Let's see. . . Ah!" she snapped her fingers. At sa isang iglap, nasa ibang lugar na kami. Nagulat ako sa nasaksihan.

Ano yon? Teleportation?

Napapalibutan kami ng nagsitaasang mga puno. Tingin ko ay nasa gitna kami ng gubat. Teka, bakit kami nandito?

Whispers Of The Wind (COMPLETED)Where stories live. Discover now