Doce

2.2K 64 2
                                    


Kaleb's

"Pa, I have something important to do, pwede ba sa sunod na lang ako sumama?" Pakiusap ko kay Dad habang minamaneho ko siya papunta sa politics party na pupuntahan niya ngayong gabi at eto nga at pinapasama niya ako. Bihis na ako pero nagbabakasakali pa rin ako na makalusot dahil may usapan kami ni Hans na susunduin ko siya ngayon at sasamahan sa gig niya.

"That child of Arken is so important to you?" Natahimik ako sa sagot niya saakin. Alam niya na agad kung ano ang pagkakaabalahan ko. I hate it when he acknowledged Hans presence or kahit banggitin niya man lang ito. I know what he's capable to do, he's not good for Hans and I know alam niya na importante saakin si Hans at magagamit niya iyon laban saakin. Simula nang magkaisip ako, he wasn't just a father to me, he's also the person behind my every move. He's my commander, he controls almost everything I do and my only freedom is Hans. 

"Kaleb, pinapabayaan kita mahibang sa batang iyon, sa ngayon. Pero huwag na huwag mong ipapakita saakin na mas importante siya kesa sa pangarap ko saiyo, tandaan mo, tatakbo ka sa politiko ngayong taon, at kung hahadlang ang batang iyon, alam mo ang mangya-" Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Pa, I do everything you tell me, and you know I don't like it when you mention Hans, ginagawa ko lahat and the only favor I'm asking you is leave Hans out of this. Hindi siya magiging hadlang sa tatahakin kong politika. I promise you that." Mahaba kong litanya habang mahigpit ang hawak sa manibela. Narinig ko ang mahinang paglabas ng hangin sa bibig niya bago ulit siya nagsalita.

"Then prove it to me that he's not more important than our dream, malapit ka na sa sukdulan, Kaleb. Abot kamay mo na ang pangarap ko saiyo, don't waste it and I will leave Hans Gabriel alone." Napalunok ako at lalong humigpit ang hawak ko sa manibela bago tumango. Hindi na ako kumibo pa dahil baka saan pa umabot ang usapan namin.

Hindi lingid sa kaalaman ni Dad na umiibig ako kay Hans. Ngunit ang gusto niya lamang ay hindi ito kailanman maging hadlang sa pangarap niya saakin sa politika. Pero pangarap niya iyon, iba ang pinapangarap ko. I may love helping people and I can easily do that if I will be the governor, but the greatest dream is Hans, I don't wanna lose him over anyone. It's Hans over anyone but do I really have the choice? May karapatan nga ba akong pumili gayong bata pa lang ako ay may tali na ako sa ilong na kung saan hilahin ng aking ama ay siya ring magiging direksyon ko?

It's sad, it really is, but that's the reality of my life, when Mom died, our family also died. The only thing that keeps me going is the thought that maybe, maybe when the time comes, I no longer have to keep up with whatever Dad wants for me. Maybe someday, I'll have my own freedom and be with Hans forever.

I'm one lucky guy if that happens, but luck has never been on my side since the day I was born.

____

Hans

Napabuga ako ng hangin at napailing na lang habang tinititigan ang text ni Kaleb mula sa selpon ko. Kanina pa ako naghihintay sakanya pero hindi pala siya makakarating.

Another day that he need to choose work over me. Nothing new.

Napanguso na lang ako at nag text back sakanya na okay lang at sumunod na lamang siya kung kaya pa ng oras niya. Pinilit kong maging okay dahil may gig pa akong pupuntahan at kailan ko maging presentable.

Hindi naman na saakin bago ang ganitong sitwasyon samin ni Kaleb. He has broken a lot of what he says, susunduin ako, sasamahan, iyon lagi ang mga pangako niyang madalas ay hindi niya magawa dahil hindi ayon sa trabaho niya. And I understand it, kahit na minsan ay nakaka frustrate, kailangan ko iyon intindihin dahil magkaiba ang estado namin sa buhay. I can't hold him back, I don't wanna hold him back. His work will always come first and I understand that.

MíoWhere stories live. Discover now