Uno

4.9K 129 9
                                    


Hans

I was so focused on my schoolwork when one of my friend spoke.

"Bukas pa naman yan, why are you already doing it now?" Dandy asked.

"It's our vacant, and I don't want to do this later at home, gusto ko gumala kasama si Kaleb." Sabi ko habang tinatapos ko ang assignment sa isang major subject. Narinig ko naman si Dandy na natatawa.

"Aminin mo nga sakin, boyfriend mo yung anak ng Governor 'no? Ayaw mo lang aminin." Sabi pa niya. Sasagot na sana ako pero nagsalita din ang isa naming kaibigan.

"Don't call the gorgeous Kaleb Cabrera' 'yung anak ng Governor,' He's more than that!" Parang galit na ani ni Lyka. Napailing ako. Dakilang fan ni Kaleb si Lyka. Although hindi naman sila magkakilala personally.

"He's not my boyfriend, he's been my friend since I was twelve." Maikli kong sagot at napangiti ako nang malaki nang matapos ko na ang ginagawa ko.

"Oo nga, yung Oasis ang boyfriend mo diba?" Tanong naman ni Lyka. Napabuntong hininga ako at tinalasan siya ng tingin.

"I don't have a boyfriend, kuya Oasis is also my childhood friend, anak siya ng kaibigan ng papa Reihan ko." Irap ko sakanya at natawa naman siya.

"Ba't galit?" She muttered but I didn't pay her any attention anymore. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo.

"Kain tayo sa cafeteria, let's go!" Alok ko. Napailing lang naman silang dalawa at sumunod saakin. Almost half an hour na lang naman at afternoon break na namin. Wala lang talaga ang professor namin kaya napaaga. Pagkatapos ng afternoon break ay isa pang subject then uwian na.

I can't wait to go home! Paniguradong susunduin ako ni Kaleb mamaya para gumala.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay agad kaming bumili ng pagkain namin at naghanap ng upuan.

Konti lang ang binili kong pagkain dahil paniguradong mamaya pagkauwi ko ay may meryenda sa bahay, o kaya naman ay paniguradong papakainin ako ni Kaleb sa kung saan bago umuwi.

Habang kumakain kami at nag-uusap ay maya-maya ay nagsidatingan na ang ibang mga estudyante dahil afternoon break na.

Paalis na rin sana kami dahil tapos na kami nang magsalita si Dandy.

"Oh, he's here again, Hans." Sinulyapan ko siya sa sinabi niya at nilingon ko ang tinitingnan niya.

Napakurapkurap ako kay kuya Oasis na malaki ang mga ngisi sa labi habang may binabating mga seniors namin. Nang matapos siyang makipagbatian ay inilibot niya agad ang tingin niya para hanapin ako. Nang makita niya ako ay mas lalong lumaki ang ngiti niya at lumakad palapit sa table namin. May dala siyang dalawang box na sure akong pizza ang laman. Maayos ang suot niya at malinis. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang button down long sleeve na puti at pinares sa itim na pants. Mukhang galing siya sa trabaho. Narinig ko pang parang kinikilig ang dalawa kong kaibigan dahil sakanya.

"Hi, Hans. I bought you your favorite pizza." Umupo siya sa harapan naming tatlo ng mga kaibigan ko. Binati niya rin ang mga kaibigan ko at pareho namang hindi nakaimik ang dalawa. Pinagkunotan ko siya ng noo.

"Kuya Oasis, why are you here again? And I told you dad Arken doesn't want me eating pizza everyday!" Reklamo ko sakanya pero napairap lang siya at inayos ang upuan niya para tumabi saakin.

"You love pizza tho, it's okay to disobey your father, Hans. Eat, I'm here to feed you." Sabi niya at siya na ang nagbukas ng dalawang box ng pizza na dala niya. Binigay niya ang isang box ng pizza sa dalawang kaibigan kong hindi na nakaimik pa at nagmamasid lang saamin. Ang isang box naman ng pizza ay paghahatian daw namin ni kuya Oasis. Napaungot na lang ako at kumuha ng slice ng pizza na cheesey beef overload with a lots of olives. This is my favorite flavor of pizza.

MíoWhere stories live. Discover now