Mío

10.4K 169 25
                                    


"♪ I've paid enough of petty dues ♪
♪ I've had enough of shitty news ♪" The lyrics rolled out of my mouth so smoothly. My eyes are closed and I'm enjoying myself as the song beats played all over the LIP pub. It's Friday night and that means work night. I don't really need to work because my parents can perfectly provide for me but this has become my hobby and I really love singing in front of a lot of people.

"♪ I've had a thing for dirty shoes since I was 10 ♪ ♪ Love dirty men alike ♪" Saktong pagbukas ko ng mga mata ko nang matapos kong kantahin ang linyang iyon ay nagtama ang mga mata namin ni Kaleb na nasa hindi kalayuang table mula sa maliit na stage kung nasaan ako at ang bandang tumutugtog para saakin. Almost all of the people here inside the pub are looking at me but Kaleb stares is the only one who can make me smile and made me feel so appreciated. Ginanahan agad ako nang makita kong narito na siya.

"♪ Ooh, Better day than yesterday ♪
♪ Ooh oh, I just take it day by day ♪" My lips can't stop smiling, I swayed my body while me and Kaleb are keeping the eye contact. Kahit malayo ay alam kong may konting ngisi sa labi niya habang pinapanuod akong kumanta.

"♪ Ooh oh oh, Never hearing what they say ♪
♪ Ooh ooh, I just do it my way ♪" Muli akong napapikit at dinama ang tugtug ng kinakanta ko. It's a sexy song and it really suits the dim light inside the pub. Talaga namang marami ang tao kada byernes dahil dalawa kaming grupo ng entertainer ang pumupunta dito. Ang banda na kinabibilangan ko at ang DJ duo na si ate Lev at kuya Oasis.

Nagtagal pa bago ko natapos ang kanta, may sunod pa sana akong kanta pero sinenyasan ko ang beatmaker namin na mamaya naman ako. Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin at tinawag niya na si ate Lev at kuya Oasis para sila naman ang tumugtog.

Agad akong bumaba sa maliit na stage na iyon at naglakad ako palapit sa table kung nasaan si Kaleb na hindi naalis ang tingin saakin mula pa kanina.

"You're late," Sabi ko sakanya nang makalapit ako. Umupo ako sa tapat niya at pinagkunotan ko siya ng noo nang hindi niya alisin ang suot niyang itim na cap. Kanina niya pa iyon suot.

"Hi, pumpkin. I'm sorry I was late, may pinagawa kasi saakin si Dad, I couldn't say no." Ngiti niya saakin at sumenyas siya sa isang bartender at agad iyong lumapit saamin at may inabot na isang watermelon shake at isang cocktail. Inabot saakin ni Kaleb ang shake at siya naman ang uminom sa cocktail. Napanguso ako. If only my Dad and Papa allowed me to drink liquor.

"It's okay, when did you even say no to your Dad? Tsh, why are you still wearing that cap?" Balak ko sanang alisin ang cap niya pero agad niyang pinigilan ang kamay ko at hinawakan iyon. Dinala niya sa bibig niya at hinalikan. Agad akong napairap pero hindi napigilan ng puso ko ang sumikdo.

"I can't be seen here, pumpkin. Papa will kill me if he gets to know I ran away from home." Nabigla ako sa sinabi niya at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What? Why did you ran away?" Nabibigla kong tanong. Sinenyasan niya naman akong umupo sa tabi niya dahil nagsimula na tumugtog sila kuya Oasis kaya't medyo hindi na kami magkarinigan. Tumayo naman ako at lumipat sa tabi niya. Agad niya akong inakbayan.

"Well, someone will be sulking again if I didn't come and see his sexy singing performance." Asar niya saakin na ikinairap ko. Ang higpit naman kasi ng Papa niya sakanya. Palibhasa ay anak siya ng Governor at marami ang mga mata ang nasakanya ngayong taon dahil pagkatapos ng term ng Dad niya six months from now ay siya na ang ilalaban nito. I can't believe that my best friend will be running for governor, it feels odd to have a politician friend.

"Babalik ka ba agad sa bahay niyo? We can't hang out tonight?" Parang nanlulumo na agad ako habang tinatanong ko iyon sakanya. Ngumiti naman siya saakin at sinundot ang tungki ng ilong ko.

MíoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon