Siete

3.5K 96 5
                                    

Kaleb's

Naigalaw ko ang panga ko at napapikit nang makita sa CCTV ang ginawa ni Hans. Fuck, I'm sure he was jealous because of what he saw. Lintek kasing babaeng iyon na ipinadala ni Dad sa office ko. Nakita ko rin sa CCTV kung paano nakita ni Hans ang pagkalong saakin ni Aliza, pero hindi niya nakita nang tulakin ko ang babae.

“Sir, ipa-track ko po ba ang lalaking 'yun? Nakita po sa CCTV ang sinakyan niyang taxi—” Pinutol ko ang sasabihin ng security na nasa tabi ko na nakikinuod rin sa CCTV.

“No, it was Hans, he was just being a spoiled brat.” Sabi ko habang kinakalma ang sarili ko. I'm not mad about my car, I'm mad that he did that so carelessly, paano kung nasaktan siya habang nagwawala siya nang gano'n? Kanina ko pa siya tinatawagan para malaman ko kung nasaan siya pero hindi siya sumasagot.

“Si sir Hans po? Magagawa niya po ba yan?” Parang nagtatakang tanong pa ni Gerald na siyang nakakita kay Hans kanina habang pinagpapalo nito ng kahoy ang kotse ko. Tumango ako. Alam kong duda rin siya na nagagalit nang ganoon si Hans. Kilala niya kasi si Hans na sweet lang na tao at mahiyain. Napailing ako.

I understand what he's feeling. That's the first time he saw me with someone that close. Hans is so used that my attention and affection is only to him, kaya siguro grabe ang galit niya kanina. My baby is mad jealous. I don't know if I should be happy or what.

“You don't need to think about that, ang utos ko sainyo ang sundin mo, never let that woman enter my office or the capitol again.” Seryoso kong utos sakanya at mabilis akong lumabas ng CCTV room para hanapin si Hans kung saan man siya pumunta. Fuck, he will really get the punishment he deserves. He's being so spoiled again. May ugali talaga siyang ganito lalo na kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya o kaya'y may nangyaring hindi niya gusto. He was raised spoiled and he can't handle his frustrations well, but this is the first time I saw him jealous like that. May konting saya saakin dahil nagseselos siya dahil may nakalapit saakin. Pero lamang ang pag-aalala at frustrations ko sakanya ngayon. He doesn't need to be jealous like that, I'm all his.

Saktong pakalabas ko ng capitol ay may tumawag saakin. It's an unregistered number pero sinagot ko iyon at laking pasalamat ko nang marinig ko ang boses ni Manang Elsi na siyang nag-aalaga kay Hans kapag wala sila Tito Arken at Tito Reihan.

“Hello, sir  Kaleb, iho, anong nangyari at umuwi nang may mga sugat itong kaibigan mo? Ang sabi saakin nila sir Reihan ay sainyo tutuloy itong si Hans?” Kinalma ko ang sarili ko sa narinig. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa pagiging careless ni Hans. Ako itong mababaliw kapag may nangyaring masama sakanya pero kung umakto siya ay parang wala siyang pakialam kung masasaktan siya o hindi, but this is my father's fault. Kung hindi niya ba naman kasi pinipilit saakin ang babaeng iyon.

“I'm on my way, Manang. I'll explain everything later.” Mabilis kong sagot at pumara ako ng taxi para pumunta sa resort kung nasaan ang bahay nila Hans.

———

Hans

Lumabas ako ng banyo nang nagpupuyos pa rin sa galit. Katatapos ko lang maligo at naiinis kong pinupunusan ang basa kong buhok habang masama ang tingin ko sa kawalan.

Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Kapag nasa trabaho ba siya ay ganon ang ginagawa niya? May kinakalantari siyang iba? Sino ba ang babaeng iyon? Sa sobrang inis ko sa mga pumapasok sa isip ko ay mas lalo kong diniin ang pag punas sa buhok ko pero agad akong napaungot nang sumakit ang dalawa kong kamay.

MíoWhere stories live. Discover now