FLESH: Chapter Five

22.8K 753 261
                                    

CHAPTER FIVE



"OH, may benda na 'yang daliri mo, ha. Natatandaan mo ba ang sabi sa'yo nurse?"


"Oo naman. 'Wag munang tatanggalin ang benda," nakangitng turan ni Vanessa kay Russel habang naglalakad sila pauwi mula sa clinic. Nilakad na lang nila dahil malapit lang naman iyon.


Umakbay sa kanya si Russel. "At wag ka nang maghihiwa ng prutas o kung ano pa kapag wala ako. Kapag gusto mong kumain ng prutas o kaya ay gagamit ka ng kutsilyo, sabihan mo ako, okey?"


Tumango lang si Vanessa habang nakangiti sa kawalan. Naiisip niya kasi na parang panaginip lang ang lahat. Oo, matagal na niyang hinihiling na makabalikan sila ni Russel pero hanggang panaginip lang iyon. Pero, heto na sila, magkasama at parang wala nang makakapaghiwalay pa.


"Bakit nakangiti ka diyan?" untag sa kanya ni Russel. Papaliko na sila sa kanto kung saan matatagpuan ang kanilang bahay.


"Ha? Masaya lang ako, Russel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na tayo..." sagot niya.


"Aba, dapat maniwala ka na dahil totoo na ito. Oo nga pala, kailangan ko nang umalis agad at titingnan ko muna 'yong lugar na pagtatayuan ng grocery store natin. Tapos, tatawag na lang ako sa restaurant para magpadeliver ng kakainin mo at baka gumamit ka na naman ng kutsilyo. May pera naman doon sa ibabaw ng kama natin," sabi ni Russel sa kanya nang nasa harap na sila ng pinto ng bahay nila.


Tumango siya. "Sige, ako nang bahala. Umalis ka na at baka gabihin ka pa."


"Okey. I love you." Ginawaran siya nito ng halik sa labi na nagbigay sa kanya ng kakaibang kilig.


"I love you too, Russel," tugo naman ni Vanessa.


Nagpaalam itong muli sa kanya. Inihatid niya ito ng tanaw habang naglalakad ito palayo. Saka lang siya pumasok ng bahay nang hindi na niya ito matanaw.


---***---


NANONOOD ng TV si Vanessa nang may kumatok sa pinto. Agad siyang tumayo upang buksan iyon at doon niya nalaman na iyon na pala ang pinadeliver na pagkain ni Russel. Napakabait talaga ng nobyo niya.


"Sandali lang, ha. Kukuha lang ako ng pera," sabi ni Vanessa sa delivery boy.


Nagtungo siya sa silid nila ni Russel at kinuha ang isang libong pisong papel na nasa kama. Pagbalik niya sa delivery boy ay ibinigay niya iyon at kinuha ang pagkain. Inilagay muna niya ang pagkain sa ibabaw ng kanilang hapag-kainan. Hindi pa kasi siya nagugutom kahit pasado ala una na ng hapon.


Dalawang gore movies na ang natapos niyang panoorin at parang gusto muna niyang maligo dahil sa init ng panahon. Ayon sa balita kaninang umaga ay aabot sa 40 degress ang temperatura ngayong araw. Kaya pala pinapawisan pa rin siya kahit na nakatutok sa kanya ang electric fan. Inihanda na niya ang mga gagamitin niya sa pagligo tulad ng tuwalya at damit na pamalit bago siya pumasok sa banyo.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon