AUCTION: Chapter Eight

28.8K 989 211
                                    

CHAPTER EIGHT

HAPON nang umalis si Ruth sa kanilang bahay. Napainom na rin niya ng gamot ang kanyang ina bago siya umalis. Laking pasasalamat na rin niya at naitago niya dito na wala na siyang isang kamay. Naging madali para sa kanya ang umalis dahil tulog naman ito nang lumisan siya. Pagkalabas niya ng squatter's area ay nakita niya ang itim na kotse. Agad siyang sumakay doon. Tulad nang dati ay palagi siyang pinagsusuot ng piring sa mata bago pumunta sa mansion ni Mr. Black.

Ilang sandali lang ay narating na niya ang dapat puntahan. Isang gabi na naman ang lilipas at mawawalan na naman siya ng isang parte ng kanyang katawan-ang kanyang kuko!

-----***-----

"EIGHT million pesos!" sigaw ng matangkad na lalaki.

"Nine million!" hamon naman ng isang ginang.

"Nine million, six hundred thousand!" ganti ng lalaki.

"Ten million!"

Tulad ng nakaraan ay nasa malaking hawla na naman na iyon si Ruth. May kadena sa mga kamay at leeg. Kanina pa nagsimula ang Human Auction at kanina pa rin nagpapataasan ang babae at lalaking iyon sa mga kuko niya sa paa. Hindi tuloy maiwasan ni Ruth na mamangha sa sarili. Meron palang tao na handang makipagpatayan para lang sa kuko niya sa paa. Pero dapat pa rin siyang magpasalamat at may mga taong ganito dahil sila ang sagot para sa operasyon ng kanyang ina.

"Eleven million pesos!" ani ng lalaki.

"Fifteen million pesos!" nagmamalaking turan ng ginang.

Hindi na nakapagsalita pa ang lalaki. Mukhang nasagad na ang pera nito. Sumuko na rin ito at naiiling na lang na tinanggap ang pagkatalo. Nang sambitin ni Mr. Black ang salitang "sold" ay namatay na ang ilaw at inihanda na ni Ruth ang kanyang sarili sa kung anong mangyayari sa kanya.

-----***-----

SA wakas ay nagkamalay na ulit si Ruth. Namulatan niya ang kanyang sarili sa isang pamilyar na silid. Parang nakapunta na siya dito minsan sa kanyang buhay, hindi nga lang niya maalala kung kailan. Akmang gagalaw sana siya nang malaman niyang nakatagapos ang kanyang mga kamay at paa sa apat na sulok ng kamang kanyang kinahihigaan.

Napapitlag siya nang bumukas ang pinto sa silid na iyon at isang babaeng mukhang mayaman ang pumasok. Lumapit ito sa kanya at ngumiti.

"It's nice to see you again, Ruth..." turan nito.

Nanlaki ang mga mata ni Ruth. Kung ang silid na ito ay nakalimutan niya, hindi ang babaeng kaharap niya. "Mrs. dela Merced!" gulat na bulalas niya.

"Wow! Naaalala mo pa pala ako." Bahagya itong tumawa.

Paano niya makakalimutan ang nanay ng batang umubos sa kanyang buhok?

Bigla tuloy siyang kinabahan sa mangyayari sa kanya. Baka ilabas na naman si Cruzita at ito ang kukuha sa kanyang kuko.

"I know what you're thinking, Ruth... Iniisip mo na si Cruzita ulit ang kukuha sa kuko mo. Well, kung iyon ang iniisip mo, you are wrong. Ayaw ng Baby Cruzita ko ang kuko sa paa."

"Ang dami niyo pang sinasabi. Iisa lang naman ang mangyayari ngayon, simulan niyo na!" matapang niyang turan.

"Okey. Mukhang may lakad ka kaya tatawagin ko na ang kukuha sa kuko mo sa paa." Naglakad na ito palabas ng silid.

Nagpalinga-linga si Ruth. Gusto na niyang tumakas pero napaka impsibleng magawa niya ang bagay na iyon.

Maya maya lang ay bumalik na si Mrs. dela Merced na may kasamang batang babae.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon