FLY: Chapter One

32.1K 982 160
                                    

NOTE: May eksena sa kwentong ito na inspired sa movie na "DRAG ME TO HELL".


CHAPTER ONE


"ANO ba?! Hindi ka ba makaintindi? Wala nga akong pera! 'Wag ako ang pestehin mo." Napakalakas ng boses ni Chynna Tolentino sa terminal ng jeep kung saan siya naroon. Naiinis siya dahil umagang-umaga ay pinipeste siya ng isang matandang nanglilimos.


"Kahit magkano lang naman, ineng... Kailangan ko lang talaga ng pera para sa gamot ng anak ko na nasa ospital."


Tiningnan ni Chynna ang matanda na bahagyang kuba nag likod. Naghahalo ang puti at itim nitong buhok na hindi maayos na nakapusod. Mabaho rin ang amoy nito. Amoy ng taong ilang araw nang hindi nakakatikim ng ligo.


"Alam niyo, ale. Hindi ako charity, okey? Lubayan niyo na nga ako at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masaktan ko pa kayo. Ang kulit niyo!"


"Kahit magkano lang naman, ineng..." At hinawakan pa siya ng matanda sa kamay.


"Ano ba? Bitiwan niyo ako!" sigaw ng babae na nakaagaw na ng atensiyon ng ibang tao roon na naghihintay din ng jeep.


Itinulak niya ang matanda. Natumba ang ito sa lupa at mukhang masama ang pagkakatama ng pang-upo nito dahil tila nahihirapan ito na tumayo.


Isang babae ang nilapitan sila at masama siyang tiningnan. "Bakit mo naman tinulak? Wala ka bang awa?" inis na turan ng babae sa kanya.


Tinaasan niya ng kilay ang naturang babae. "Excuse me! Ang matandang 'yan ang sisihin mo. She's so kulit at mabaho. Tingnan mo, ang daming langaw na sumusunod sa kanya. Eeww! Gross!" At nag-martsa na siya palayo.


Naiinis siya kahapon pa at nadagdagan pa iyon dahil sa pulubing matanda at pakialamerang babae. Paano kasi ay kinuha ng daddy niya ang kanyang credit card at pati ang birthday gift nitong kotse sa kanya last year noong eighteenth birthday niya ay binawi nito. Kailangan daw niyang matuto ng leksiyon sa pagmamaltrato niya. Paano naman na hindi siya magagalit dito, ilang beses nang sinunog ang kanyang dress dahil sa pamamalantsa! Sa sobrang galit niya ay pinaso niya ng plantsa ang braso nito. Iyon ang dahilan kung bakit siya inalisan ng daddy ng credit card at kotse.


Hindi pa rin siya makapaniwala na mas kinampihan ng kanyang ama ang katulong nila kesa sa sarili nitong anak. Kaya naman naglayas siya upang ipakita dito na kaya niyang mabuhay kahit wala ang pera nito.


Kinuha ni Chynna ang kanyang cellphone sa tangan na purse at tinawagan ang boyfriend na si Vinz. Agad naman itong sumagot sa inaantok pang boses.


"Babe, 'sup? Ang aga mo yatang tumawag?"


"Maaga? It's already eight, Vinz. I need a car."


"What?"


"I said, I need a car," ulit pa niya.


SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon