AUCTION: Chapter Five

30.3K 1K 296
                                    

CHAPTER FIVE

BINALOT ng kaba at takot si Ruth nang iwanan siya ni Mrs. dela Merced. Wala siyang ideya sa mangyayari sa kanya. Buhok lang naman ang kailangan nito sa kanya, bakit kailangang i-posas pa siya? Pwede namang kumuha ito gunting at gupitin ang buhok niya. Sabagay, sino ba namang tanga ang bibili ng buhok sa halagang four million pesos? Maliban lang kung may "kakaibang" gagawin ang bibili nito sa buhok.

Gustuhin man niya na umatras ay huli na ang lahat. Nabili na ang buhok niya sa halagang apat na milyon. Makakatulong na rin ang halagang iyon sa mga gamot na kailangan ng kanyang nanay at kapatid.

'Diyos ko, Kayo na po ang bahala sa akin', piping dasal ni Ruth.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Mrs. dela Merced at may kasama na itong batang babae. Ito na siguro si Cruzita. Sa palagay ni Ruth ay anim na taong gulang pa lang ang bata. Hindi lalagpas sa tatlong talampakan ang taas nito. Mataba at mabilog ang mukha. Sa sobrang taba nito ay wala na itong leeg. May dalawang pulang ribbon na nakatali sa buhok nito. Ang suot naman nitong damit ay kulay kremang blusa at palda na hanggang taas ng tuhod nito. Nakabusangot ang mukha nito na parang pasan ang mundo.

"Ruth, meet my one and only daughter-Cruzita. Ang cute niya, 'di ba?" pinisil pa nito ang pisngi ng anak.

Tinabig naman ni Cruzita ang kamay nito.

"A-ano bang gagawin niyo sa akin, ha?" kinakabahang tanong ni Ruth.

"Si Cruzita... siya lang ang may gagawin sa'yo. She loves eating hair. Human hair to be exact!"

"Kumakain siya ng buhok at hinahayaan mong gawin niya iyon?"

"Bakit hindi? Isa ka na bang ina, Ruth? Kung hindi pa ay hindi mo ako maiintindihan. Kaligayan ni Cruzita ang kumain ng buhok kaya ibibigay ko iyon sa kanya. Three years old pa lang siya nang ma-develop ang craving niya sa bagay na iyon at ako ang una niyang naging biktima. Kaya nga ako nakalbo, eh," bahagya pa itong tumawa.

Naningkit ang mga mata niya. Sa wari niya ay may sapak sa utak si Mrs. dela Merced.

"Pero bakit niyo pa ako pinosas? Pwede namang gupitin niyo na lang ang buhok ko at ipakain sa anak mo."

"Hindi ganoon ang gusto ni Cruzita ko... Ang gusto niya, siya mismo ang bubunot ng buhok mo!"

"B-bubunot? Anong-"

"Mommy, I want to eat her hair now!" tila naiinip na sigaw ni Cruzita.

Ikinuyom pa nito ang dalawang kamay na parang nagpipigil.

"Oh, I am so sorry, baby. Go on... Enjoy your meal, Cruzita!"

Pagkasabi niyon ni Mrs. dela Merced ay naglakad na siya Cruzita papunta sa kanya. Takot na takot naman siya habang paliit nang paliit ang pagitan nilang dalawa. May pagkatakam sa mukha ng bata na akala mo ay nakakita ng napakasarap na cake o ice cream. Tumulo pa ang laway nito na agad din namang pinahid nito sa pamamagitan ng braso.

Umuga ang kama nang sumampa si Cruzita doon. Gumapang ito at inupuan siya sa dibdib. Sa sobrang bigat nito ay hindi na siya makahinga halos.

Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng labis na takot sa isnag bata!

"'W-wag..." samo ni Ruth.

"I'm hungry!" humagikhik pa ito.

"Mrs. dela Merced, t-tulungan niyo ako!"

Ngunit hindi siya pinansin ni Mrs. dela Merced na ngayon ay nakaupo na sa isang rocking chair na nakaharap sa bintana. Abala na ito sa pagko-cross stitch. Nagbibingi-bingihan sa kanyang pakiusap.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon