FLY: Chapter Nine

20.5K 753 114
                                    

CHAPTER NINE

NAGDA-DRIVE na si Vinz papunta sa condo unit ng mommy ni Chynna. Minsan na siyang nakapunta doon kaya alam niya kung paano iyon puntahan. Madalas sila doon ni Chynna kapag gusto nilang mapag-isa dahil wala namang tao doon palagi. Hindi totoong makikipagbalikan siya kay Chynna. Nililinlang lang niya ito dahil ang totoo ay gusto lang niyang malaman kung nasaan ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na ito ang suspek sa pagpatay sa kaibigan nilang sina Peter at Mike. Kapag nasiguro niyang naroon nga si Chynna ay tatawag na siya ng pulis.

Wala siyang ideya sa tunay na dahilan kung bakit nito pinatay ang mga kaibigan nila. Marahil ay masyado nitong inisip ang mga problema nito.

Maya maya ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa headboard ng kotse. Mabilis niya iyong sinulyapan at nakita niya na si Margaux ang tumatawag. In-accept niya iyon at inilagay sa loudspeaker upang makausap niya ito habang nagmamaneho.

"Hello, Margaux? Bakit?" tanong niya agad.

"Where are you? Pumunta ako sa inyo pero ang sabi ng mommy mo umalis ka daw."

"Oo. Pupuntahan ko si Chynna sa condo unit ng mommy niya. Alam ko na kung nasaan ang kriminal na pumatay sa mga kaibigan natin! Kapag nasiguro ko kung 'andoon nga siya, tatawag na ako ng pulis."

"What?!" gulat na bulalas ni Margaux sa kabilang linya. "Are you out of your mind, Vinz? Tatraydurin mo ang kaibigan natin na ex mo? Hindi pa nga tayo sure kung siya nga ang pumatay kina Peter, eh."

"Marami ang nagsasabi na siya ang huling nakasama nina Peter at Mike bago sila namatay!"

"Pero it doesn't mean na siya nga talaga ang pumatay-"

"Kahit na! Alam mo kung gaano ko vina-value ang pagkakaibigan natin!"

"Vina-value mo pero tinalo mo si Chynna? Wow, Vinz. Okey, susunod ako diyan. 'Wag ka munang gumawa ng kahit anong move. Bye!" At naputol na ang linya.

Hindi niya susundin si Margaux. Tuloy pa rin siya sa plano niya na ipahuli sa mga pulis si Chynna.

Sa wakas ay narating na ni Vinz ang kanyang destinasyon. Nag-park na siya sa basement ng building at sumakay sa elevator. Huminto siya sa ika-anim na palapag at hinanap ang condo unit ng mommy ni Chynna na agad naman niyang nakita. Pinindot niya ang buzzer ngunit walang nagbukas sa kanya. Medyo napakunot ang kanyang noo nang mapansin niya na medyo nakaawang pala ang pinto. Itinulak niya iyon at unti-unting binuksan.

Patay ang ilaw sa loob kaya walang makita si Vinz ngunit agad niyang napansin ang tunog ng parang pinupunit na tela. Pumasok na siya sa loob nang walang pag-aalinlangan. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa dingding na medyo malapit sa pintuan. Nakapunta na siya dito kaya alam niya kung nasaan ang switch.

At nang makapa na niya ang hinahanap ay agad niya iyong pinindot. Sabay ng pagbaha ng liwanag ay ang siya ring pagkagulat ni Vinz. Nakita niya ang tinatago ng dilim sa kanya at nalaman niya rin ang pinagmumulan ng tunog. Winawakwak ni Chynna ang dibdib ng mommy nito gamit ang tinidor! Ang ang naririnig niya palang parang pinupunit na tela ay ang tunog ng pagkapunit ng balat at laman! Nagkalat ang dugo sa sahig at sa palagay niya ay wala nang buhay ang mommy ni Chynna.

Nakanganga na napaatras si Vinz. Binalot siya ng takot at kilabot sa nakita. Ngayon ay sigurado na siya na si Chynna nga ang pumatay sa mga kaibigan nila. Ngunit bakit?

Biglang tumigil si Chynna sa ginagawa. Nang tumingin ito sa kanya ay mas lalo siyang natakot dahil walang itim ang bilog ng mata nito.

Hahawakan pa lang niya ang door knob ngunit mabilis na nakalapit sa kanya si Chynna. Tila isa itong mabangis na hayop sa liksi ng pagkilos nito. Walang sabi-sabi na sinabunutan siya nito at inihampas ang kanyang ulo sa pinto. Malakas na tumama ang kanyang noo doon na agad na lumikha ng sugat. Agad na napuno ng dugo ang kanyang mukha.

Malakas siyang binalya ni Chynna palayo sa pinto.

"S-sinasabi ko na nga ba! Ikaw talaga ang pumatay kina Peter!" takot na turan niya habang kinakapa ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha niya iyon.

Tatawag na sana siya sa mga pulis nang biglang mag-ring iyon. Tumatawag si Margaux.

Sa pagkataranta niya ay nasagot niya ang tawag. "Hello, Vinz? I'm on my way-"

"Margaux! Si C-chynna! Siya nga ang pumatay k-kina Peter!"

"Vinz, 'di ba, sinabi ko sa iyo na 'wag mo siyang husgahan agad."

"Totoo! Kitang-kita ko! Pinatay ni Chynna ang mommy niya!"

"What?!"

Pagtingin ni Vinz sa kinaroroonan ni Chynna ay wala na ito doon. Nanginginig na ang buo niyang katawan at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Iniiwasan din niyang tingnan ang bangkay ng mommy ni Chynna dahil talaga namang nakakakilabot ang hitsura niyon.

Tumayo siya habang sapo ang dumudugong noo. Nagpalipat-lipat ang mata niya sa kaliwa at kanan ngunit hindi niya pa rin makita ang dating nobya. Paglingon niya sa kanyang likuran ay doon niya nakita ang kanyang hinahanap.

"C-chynna-"

Hindi na siya nakapalag pa nang biglang sakmalin ng mga kamay ni Chynna ang kanyang leeg. Dahil sa medyo matulis ang mga daliri nito ay naramdaman niya na bumabaon na iyon sa kanyang leeg. "Eeek! Eeek!" Parang baboy na igik niya.

Kitang-kita niya ang gigil sa mukha nito habang pilit nitong binabaon ang daliri sa kanyang leeg. Halos lumawit na ang kanyang dila dahil mahigpit na talaga ang pagkakasakal sa kanya nito. Nagsalo na ang dugo at laway niya. Tuluyan nang bumaon ang buong daliri ni Chynna sa kanyang leeg. Winasak nito ang kanyang lalamunan. Hanggang sa unti-unti ay parang natatakpan na ng ulap ang kanyang paningin. Ulap na naging kulay itim hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng kamatayan.

---***---

NATIGILAN si Margaux sa pagbaba niya sa kanyang kotse. Napapasok ulit siya sa loob ng kanyang sasakyan. Nasa parking area na siya ng basement ng condominium building nina Chynna.

'Totoo ba ito?' Hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili. Paano ay kitang-kita niya na sumakay sa isang kotse si Chynna. Duguan ang mga kamay nito at may kung anong dala na hindi niya mawari dahil medyo malayo ito. Nang umibis na ang kotseng sinakyan ni Chynna ay walang pagdadalawang-isip na pinaandar na rin niya ang kanyang kotse.

Bago pa man makalabas ng exit si Chynna ay hinarangan na niya agad ito. Bumaba siya ng kotse at ang sarili na niya ang iniharang sa unahan ng kotse nito.

"Chynna, we need to talk! Bumaba ka diyan!" Pasigaw niyang sabi dito upang marinig siya nito. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya nang mapansin niya ang nakakatakot na hitsura ng mga mata nito-wala iyong itim!

Imbes na bumaba si Chynna ay pinaandar nito ang kotse. Hindi na nakatakbo pa si Margaux at naipit ang tiyan niya sa pagitan ng kotse niya at ng kotse ni Chynna. Bumulwak agad ang dugo sa kanyang bibig.

Umatras ang kotse ni Chynna. Doon na nagkaroon ng pagkakataon si Margaux para makatakas. Akmang papasok na siya sa kotse niya nang makita niyang humaharurot papalapit sa kanya ang kotse ni Chynna. Dahil doon ay tumakbo siya palayo ng kotse. Ang buong akala niya ay titigilan na siya ni Chynna pero hinabol pa rin siya nito.

Marahil ay totoo nga na ito ang pumatay sa mga kaibigan nila. Sa ginagawa nito sa kanya ay masasabi niyang tama nga si Vinz. Ngunit bakit? Ano ang malaking dahilan nito para gawin iyon.

Nanghihina pa si Margaux dahil sa pagkakaipit ng kanyang tiyan kaya naman napadapa siya. Paglingon niya sa kotseng humahabol sa kanya ay malakas siyang napasigaw dahil sobrang lapit na nito sa kanya. Dinaanan nito ang kanyang paa. "Ahhh!!!" sigaw niya nang madurog ang buto niya doon.

Umangil ang makina ng kotse. Nagmaniobra ito paatras at ang ulo naman niya ang tinumbok nito. Halos wala na siyang maramdaman nang maipit ang ulo niya sa hulihang gulong. Sumadsad ang mukha niya sa semento dahilan para magasgasan ng husto ang kanyang mukha. At nang ang unahang gulong na ang tumama sa ulo niya ay doon na siya walang naalala sa sumunod na nangyari.

TO BE CONTINUED...

---***---

SUSUNOD NA ANG PAGTATAPOS!

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon