Kabanata 1: So scared of breaking it

1.7K 48 9
                                    

Kabanata 1| Hera

Nanggagalaiting sumakay ako sa Porshe ko at pabalang na isinara ito, "Tangina!" hinampas-hampas ko yung manibela sa sobrang inis at saka sinabunatan ang sarili. Hindi ako makapaniwalang after 5 years muli na naman kaming nagkita, puta. Limang taon ko rin siyang pinagtaguan at limang taong walang paramdam tapos ngayong magtatagpo ang landas namin? Ano to teleserye? Drama-rama? Bullshit.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko at wala sa loob na binuksan ko iyong radyo, maya-maya pumainlanglang ang boses ng babaeng singer ng Paramore. Mariing ipinikit ko ang aking mata at saka bumuntong-hininga, napahalaklak ako ng peke at saka pinagmasdan ang mamahaling singsing na ibinigay niya sakin limang taon na ang nakalilipas.

Iling-iling na itinaas ko ang mga paa ko sa dashboard at saka ginawang unan ang dalawang kamay habang nakahiga sa upuan. Five years ago my parents decided that I'll marry Zeus Jayce Demetios at dahil sa kagustuhan ito ng aking mga magulang ay pumayag ako but after our wedding I ran away. Nagtago-tago ako at nagpakalayo-layo mula sa kanila, tumigil rin ako sa pag-aaral ko at namalagi sa probinsiya mabuti na lamang ay may mabuting mag-asawa ang nagpatuloy sa akin, nagpakain, at nagdamit but that was another story. Ngayon lamang ako bumalik pagkatapos ang limang taon nang dahil sa aking mama na na-comatose matapos maaksidente pero tignan mo nga naman oh kababalik ko pa lamang ay ang lalaki na iyon agad ang bumungad sa akin. Tanginang kamalasan ya'n!

Pinatay ko iyong radyo at saka umayos ng upo, tumakas lamang ako sa klase niya dahil di ko na makayanan ang matatalim niyang titig. I excused myself at sinabing magba-banyo lang sandali pero ang totoo ay nag-cutting ako. Binuhay ko ang makina ng aking sasakyan at saka umalis sa parking lot ng eskuwelahang pinapasukan ko ngayon. Wala akong mapapala dito ang mabuti pa ay umuwi na lang ako at magliwaliw. First day pa lang naman ng klase at sigurado akong wala pang masyadong gagawin. Sasama na lang ako kay Kuya Hermes mag-bar

NAPAANGAT ang kilay ko ng bigla akong harangin ng guard na nagbabantay sa may tapat ng gate ng aming eskuwelahan. "Binilinan ako na hindi ka daw pupwedeng umalis." mariing sabi niya. Napa-irap ako sa ere at saka inatras ang kotse ko at muling bumalik sa parking lot, badtrip na nga lalo pang maba-badtrip. Sinara ko ng malakas ang pinto ng kotse ko at nagmartsa pabalik sa aming classroom.

I rolled my eyes ng makita kong nakangiti silang lahat at mukhang nagkakatuwaan yung mga malalandi kong kaklase ay tuwang tuwa samantalang mukhang bored at inis na iyong mga classmate kong lalaki.

Napatigil lamang sila ng bigla akong pumasok at walang abog na dumiretso sa upuan ko. "Ayy Sir! May asawa ka na ba?" malanding sabi ni Sara habang pinag-lalaruan ang dulo ng kaniyang buhok. Pucha, tilandi! ke-babaeng tao para siyang sorbetes-- natikman na ng lahat. Kilala siya hindi lang dahil sa ganda niya, kundi pati na rin sa kalandiang taglay niya sikat at mayaman ang kaniyang pamilya kaya brat at maluho masyado.

Napatuwid ang pagkaka-upo ko ng magtama ang mata naming dalawa, his green eyes is staring at me with so much intensity it was like he's looking deep down in my soul, napalabi ako at saka siya inirapan.

"Yeah, but unfortunately my wife ran away from me" his laugh was cold and strange. There's no humour on it.

I made a face at umirap sa ere, at saka tumingin sa labas ng bintana. Sabay-sabay na nag-aww iyong mga babae, habang ako napa-tsk na lang. Hindi pa rin siya nagbabago napakababaero pa rin.

Five years ago ganyan na ganyan siya... Kaliwa't kanan ang babae, gabi-gabi iba ang kasama. Paano ko alam? Simple lang. Zeus is my Kuya Hermes's bestfriend at lagi siyang nakatambay sa bahay namin kasama iyong ibang barkada nila dahil nga laging wala ang mga magulang ko noon at busy sa negosyo namin eh walang humpay ang pasarap nila sa bahay alam niyo naman ang mga lalaki pare-pareho lang. Tangna nga niyan ni Zeus eh kung magpalit ng babae eh parang nagpapalit lang ng salawal and yeah kahit nung kasal namin dala-dalawa pa rin ang girlfriend niya.

Even When I Can't Be RememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon