EPILOGUE

1.1K 29 12
                                    

This chapter is dedicated to my lalove _AEVRY yieee! H'wag ka na magtampo sa'yo na epilogue, mwuah!

THUNDER'S POV

Nakatingin ako sa mag-ina kong masayang kumakanta sa loob ng kotse. They both love music and since nalaman ko na buntis si Wyena binigay ko na lahat ng gusto niya. I spoiled her with my love and her needs. May time pa na gumigising ako tuwing umaga para ipagluto siya. After may hardship sa kaniya pa rin ang uwi ko. I still remember the food that she cooked for me tapos tinapon ko sa basurahan. Matapos niyang lumabas sa office ko that time talagang kinuha ko ang pagkain na 'yon sa basurahan tapos kinain. Pinaghirapan niya 'yon kaya dapat lang na kainin ko.

No'ng umuwi siya ng gabi iniwan ko sa bar sila Ron para lang sundan siya hanggang makauwi siya ng bahay. Gumamit ako ng ibang kulay ng kotse noon para hindi niya mahalata and when she's crying in front of me I almost killed myself after she left. Ang dami rin pa lang nangyari pero bakit parang masasayang nangyari lang ang naalala ko? Ang akala ko noon talagang baog ako. Ang akala ko hindi ako magkakaroon ng anak dahil gano'n ang pina-mukha sa akin ni Eiza. Ilang beses ding may nangyari sa amin ang kaso wala talagang nagbunga.

Wyena is the best gift I've ever received. Now, we are living on my mansion together with my mom. Maayos naman ang relationship nila. Mas magkasundo pa nga silang dalawa kaysa sa akin dahil gustong-gusto ni mommy ang luto niya. Naging maki-lola rin si Primo simula nang dumating ang mommy. May times pa nga na nagseselos ako dahil mas gusto ng tumabi ng anak ko sa kaniya.

“Mommy! Daddy! Faster po we're late na!” Pagmamadali ng anak ko ng makababa na kami ng kotse.

“Calm down, son!” Hinawakan ko ang kaniyang kamay. “Remember? Your mom is pregnant kaya hindi tayo p'wede magmadali. We have valid reason id ever na late tayo,” convince ko sa kaniya. Medyo malaki na rin ang tiyan ni Wyena.

“Ihhhh!” Manang-mana talaga sa nanay. Demanding din sa lahat ng bagay.

Sabay-sabay kaming naglakad papasok ng school. All eyes on us specially sa akin. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng guwapong kagaya ko? Just kidding. Naalala ko na kilala nga pala ako ng kahit na sino because I am one of the billionaire. Lowkey lang talaga ako. Mahigpit ang pagkakahawak ni Wyena sa kamay ko habang masama ang titig sa mga nanay na nakatingin sa akin. What a possessive wife. Yumuko at hinalikan siya sa pisngi na kinagulat niya.

“Para saan 'yon?” Nagtatakang tanong niya.

“Para hindi ka na magselos. Want me to kiss you on your lips, ha?” Namula ang kaniyang pisngi sa aking tanong.

“Huwag na! Baka lalo lang silang mainggit!” Tignan mo 'tong asawa ko. Ay hindi, future wife pa lang pala. Hindi pa kami kasal.

Natawa na lang tuloy ako. Nagsimula na ang event. Tuwang-tuwa kami habang tinitignan si Primo na nag-i-enjoy sa mga activities. Sumasali rin kaming dalawa ni Wyena sa family activity pero kapag hindi makaka-apekto sa kaniyang tiyan.

Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naranasan humarap sa maraming tao kasama ang pamilya ko. As far as I can remember that last time na humarap ako sa maraming tao no'ng nagpa-interview kaming dalawa ni Eiza. She's 5 months pregnant that time. Ngayon ko lang na-appreciate ang saya na magkaroon ng pamilya dahil sa kanilang dalawa. About Eiza and Timothy, hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon. Pero masaya pa rin ako para sa kanilang dalawa. Sana lang mapalaki nilang dalawa ang batang iyon. I hope that kid is in a good condition right now.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon