CHAPTER 21

691 21 0
                                    

THUNDER'S POV

“Good morning!” Masiglang bati niya sa akin.

I frowned. “What's that?” Turo ko sa dala niyang another bag.

“Pinagluto kita!” Proud na sabi niya.

“Pinagluto mo ako?”

Tumango siya. “Oo, I bet hindi ka pa kumakain ng breakfast mo kaya,” huminto siya saglit sa pagsasalita. Isa-isa niyang nilapag ang mga dala niya sa mesa. “Pinagluto kita ng kaya lang ng budget ko. I don't know if kaya mong kainin 'yan, you're not used to mahirap food. Hinanda ko 'yan ng malinis don't worry!” She said. She's smiling in front of me. Parang may magandang nangyari sa umaga niya.

What's on her mind? Ano na naman kayang magandang nangyari sa babaeng 'to? Dalawang araw din kaming hindi nagkita. I busied myself in reviewing some data of the company. She stopped texting me back since Saturday. Ngayon naman dumating siya rito ng sobrang saya? May naka-date ba siya? Or baka naman pumasok siya sa bar tapos may nakuha siyang costumer na nagbigay ng malaking halaga sa kaniya. Hindi ba enough ang 20 thousand na binigay ko? Tsss!

Binuksan ko ang bawat lagayan. Apat na klase ito. Ang isa ay adobo na may patatas, maraming patatas. Ang isa naman ay fried egg na naka-shape heart. Ang isa ay fried rice na may kasamang gulay. The last one is toccino, I think? I don't familiar with that food. Nalilito ako sa pinagkaiba ng toccino at balony na tinatawag nila. When I was kid kasi hindi ako pinapayagan ng mommy ko na kumain ng frozen foods.

“I won't eat that,” pag-iinarte ko.

Nagtagpo ang kaniyang kilay. “Huh? Bakit naman? Kumain ka na ba ng almusal mo?” Sunod-sunod na tanong niya.

Umiling ako. “Hindi, pero hindi ko kakainin 'yan. Wala ako no'ng ginawa mo 'yan. Mamaya may lason pala, eh 'di namatay pa ako!”

Nakita ko ang pagsimangot niya. Pilitin mo 'ko, Wyena. Kapag pinilit mo 'ko baka pati ikaw kainin ko. Wala na naman tayong mata-trabaho maghapon.

“GOOD MORNING!— Alex! Oh my god! Totoo ba itong nakikita ko?! Am I not dreaming?! Is that really you, Alex?!” Halos sumigaw na wika ni Ron.

Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Alex. Pumasok din si Matthew. Bahagya pa siyang nagulat ng makita si Alex.

“Look! Nandito na si Alex! Kailangan ka pa nagtrabaho sa lugar na 'to?” Tanong sa kaniya ni Ron. Hindi pa rin inaalis ng gago ang kaniyang kamay.

Siguro kapag pinutol ko 'yon gamit ang palakol kusang ma-aalis 'no? Tangina, dumating na naman ang mga extra! Hindi ko pinahalata sa kanilang dalawa ang inis ko. Kapag si Timothy talaga ang dumating magwawala ako rito! Nagpapa-baby pa ako tapos magdadatingan!

“Ah.... No'ng nakaraan pa ako rito. Kinuha ako ni Sir Thunder bilang secretary niya kasi ang pangit daw ng trabaho ko,” dahilan niya.

Sir Thunder ka diyan. Tinawag mo nga akong baby noong nakaraang gabi!

Tumingin sa akin si Ron. “You're so gentleman, bro! You help her! You help, my love!” Niyakap niya si Alex.

Kinuyom ko ang aking palad habang pilit na nakangiti sa kaniya. Umiigting ang panga ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ito naman kasing babaeng 'to! Pumapayag na magpayakap! Sa harapan ko pa talaga huh?! The audacity!

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon