CHAPTER 29

626 23 1
                                    

This chapter is dedicated to Jenjenixxx, Shellaa_wp, and Kaiiiiidummpieeeee hope you like it!

WYENA'S POV

Gaya ng napag-usapan, babayaran nila ako ng kalahating milyon kapalit ng pag-alis ko sa company ni Thunder pero hindi ko tinanggap ang pera. Hindi ko gustong isipin ni Thunder na kalahating milyon lang ang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal ko siya, kahit nasaktan ako gusto ko pa rin sa kaniyang mabaliw. Tini-text ko pa rin siya. Tinatanong kung okay lang ba siya. Kung kumakain ba siya sa tamang oras. Kung hindi ba siya nagpapabaya sa pagkain niya. Kahit walang reply hindi ko nakakalimutang ipaalala sa kaniya ang mga dapat niyang giangawa sa maghapon lalo na't mabigat ang trabaho niya.

Muli akong tumakbo sa cr ng maduwal ako sa amoy ng hotdog. Hindi ko alam pero sobrang sensitive ng ilong ko. Dati naman kinakain ko ang gano'ng klase ng pagkain ngayon naman inaayawan ko na. Siguro ganito lang talaga kapag broken ka. Kahit masarap na pagkain para sa'yo noon, hindi na masarap ngayon.

Speaking of noon, babalik na naman ako sa trabaho ko. Magiging babaeng bayaran na naman ako. Umaasa lang talaga ako na sa gano'ng paraan bigla na lang akong bawiin ni Thunder sa bar. Despite those hurtful words malaki pa rin ang pag-asa ko na hindi niya ako magagawang itaboy ng gano'n. Malakas ang pakiramdam ko na talagang may tinatago siya sa akin. Sabi nga nila, ang mga babae hindi maloloko. Ang mga babae kapag naghinala mas madalas tama. At pakikinggan ko 'tong hinala ko. Pakikinggan ko ang sarili kong utak at puso na nagkaka-isa kapag siya ang usapan.

“Ano bang nangyayari sa'yo, beshy? Lately napapansin ko 'yang napapadalas mong pagkakaroon ng sakit, ha!” Ani Marj. Dito siya natutulog simula no'ng nakaraang gabi pa. Simula no'ng itaboy ako ni Thunder.

“Mommy, okay ka lang po ba? Palagi ka na pong nasusuka at nahihilo. Mommy, go to doctor na po, I'm worried.” Nakasimangot na sabi ng anak ko. Maging ako nag-aalala na rin sa kundisyon ko pero sapat lang ang ipon ko para pondohan ang gaganaping family day ni Primo.

“Okay lang ako. H-Hindi ko lang yata nagustuhan ang amoy n-ng hotdog ” Tinakpan ko ang aking ilong.

Kunot akong tinignan ng kaibigan ko. Tumayos siya sabay kinuha ang bag niya. Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa cr. Naguguluhan naman ako sa kinikilos niya. May kinalkal siya sa bag niya. Nang makuha niya ito agad niyang nilapag sa kamay ko. Naguguluhan akong tumingin sa bagay na iyon. Ano na naman bang trip niya? Nanlaki ang mata ko ng makitang pregnancy test pala iyon.

“A-Ano 'to?!” Naguguluhang bulong ko sa kaniya. Hinhinaan ko ang boses ko upang ma-distract ang anak ko.

“Subukan mo. Iba na ang pakiramdam kos a hilo-hilo at suka mo na 'yang, beshy. Iba na talaga!”

“P-Pinagsasabi mo?! I told you na normal na hilo lang 'tong nararamdaman ko! I'm just tired! Nasobrahan lang ako sa trabaho!” Giit ko.

“Hindi!” Tinulak niya ako papasok. “Maniniwala lang ako sa sinasabi mo kapag nakita ko na ang result ng pregnancy test na 'yan!” Sinarado niyang bigla ang pinto.

Kinakabahan naman akong napatingin sa hawak kong PT. Nagda-dalawang isip ako kung susubukan ko nga ba. Nilakasan ko ang aking loob. Sinubukan ko na lang dahil wala namang masama kung susubukan. Malakas ang kutob ko na hindi naman ako buntis. Unti-unti kong pinatakan ng ihi ko ang pregnancy test. Nanginginig ang kamay ko ng tumapat na ito sa isang linya.

Halos manlumo ako ng maging dalawa ang guhit nito. Naiiyak ako sa tuwa at kaba. Alam ko agad kung sino ang ama ng batang 'to at sobrang saya ko na siya ang ama.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Where stories live. Discover now