CHAPTER 2

1K 35 1
                                    

WYENA'S POV

“Mommy? Aalis ka po ulit? Weekend po ngayon, ah.”

I caress his cheeks. “Kailangan mag-work ni mommy. Kapag hindi nag-work si mommy paano tayo kakain?”

Sumimangot siya. “Pero sabi mo po bonding natin today,” may pagtatampo sa himig ng pananalita niya.

Napatingin ako kay Karla. Siya ang nagbabantay sa anak ko. “Anak, please intindihin mo si mommy, ha? Babawi si mommy sa'yo bukas, okay?” Hinalikan ko siya sa noo.

Tumango siya. “Promise po 'yan, ha?”

“Oo naman! Kailan ba nagsinungaling sa'yo ang mommy, baby boy ko?” Pinisil ko ang mataba niyang pisngi.

“Never! My mommy is the best!” He kissed me on my cheeks then hugged me.

Binilin ko ang mga dapat gawin kay Karla. Ever since siya na talaga ang nag-aalaga kay Primo kaya naman malaki na ang tiwala ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng pera na gagastusin ni Primo kung sakaling manghihingi ito bago umalis. Babalik na naman ako sa trabaho ko. Magbe-benta na naman ng katawan para kumita. Sa panahon ngayon parang iniihipan na lang ang pera. Ang hirap yumaman kahit sabihing 50 thousand ang pinaka-mababang kita ko. Ano bang gagawin ko para maka-ahon kami ng anak ko sa hirap? Gusto kong tumira kaming dalawa sa bahay ba sarili na namin. Gusto kong kumuha ng katulong at yaya na mag-aasikaso sa kaniya. Ang kaso hindi ko magawa. Kay Karla pa nga lang minsan delayed na ang bigay ko sa kaniya. Buti na lang at maunawain siya.

Tulala ako hanggang sa makarating ako sa club. Pinalitan ko ang damit ko ng mas hapit na hapit pa. Konting tuwad ko lang makikita na ang suot ko panty. Konting yuko ko lang halos lalabas na ang dibdib ko. This is my way to seduce every man that I want. Hindi ako basta nalabas ng dressing room dahil madalas pinag-aagawan talaga ako. Takot ko nalang na mahubaran sa harap ng maraming tao. Kahit naman ganito ako hindi ko gustong pinagpi-fiesta-han ang katawan ko ng maraming lalaki. Bilang isang pokpok, maarte pa ako.

“Nakakainis!” Reklamo ng manager namin na kapapasok lang sa loob ng dressing room.

“Ano na namang nangyari, madam?”

“Oo nga, sira na naman ang beauty mo, mamshie!”

“Ay nako! Nakakainis! Limang waitress natin ang hindi pumasok! Ang dami nating costumer pero 'yong waitress kulang!”

“Ikaw na lang mag-waitress, madam!” Tumawa ang mga kasama ako.

Ngumisi ako ng maka-isip ko ng magandang deal. “Ako ang magwi-waitress.” Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko. “Pero, dapat triple ang bayad sa akin.” Sumandal ako sa patunang ng mga make up. Pinag-cross ko ang kamay ko, gano'n din ang hita ko.

Tumaas ang kilay ni madam. “Nakikipag-negotiate ka ba sa akin?”

Pinaghiwalay ko ang kamay ko sabay tumayo ng tuwid. Pinatong ko ang isang kamay ko sa kaniyang balikat sabay lapit ng bibig ko sa kaniyang tainga.

“Sayang, magaling ako mang-hook ng costumer,” bulong ko sa kaniya. He gulped.

“Anong bulungan 'yan, madam, ha?!”

“Share niyo naman!”

Pinisil ko ang balikat niya. “Pumayag ka na, madam! Triple lang naman. Gasino lang naman 'yon, eh!” Nag-pout ako habang nakatingin ang mga mata ko sa mata niya.

Kita ko ang hindi mapakaling mata niya. Kung saan-saan ito tumitingin na dereksiyon. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpa-paawa ko. Malandi kong hinaplos ang kaniyang dibdib habang kinakagat ang ibabang labi ko. Mas lalong naging sunod-sunod ang lunok ni madam.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora