CHAPTER 25

668 22 8
                                    

WYENA'S POV

Anong oras ba ako umuwi kagabi?

Hindi ko na maalala. Sobrang hilo ako. Nagising na lang ako sa bahay. Tinanong ko ang anak ko kung sinong nag-uwi sa akin pero hindi niya rin alam dahil tulog na raw siya. Ang huli ko lang na naalala nahilo ako. Ibang klase ang pagkahilong naramdaman ko kagabi. Parang naramdaman ko na ang kakaibang hilo na 'yon dati hindi ko lang maalala kung saan. Sino nga kayang naglagay ng gamot sa alak ko? Hindi kaya isa sa mga babae na kasama namin? Plinano nila dahil inggit sila sa akin? Tsss, sinasabi ko na nga ba! Akala ko mapagkakatiwalaan ang mga nakakasama ko.

Kasama ko ngayon ang anak ko papasok sa trabaho. Naki-usap siya na gusto niya raw makita ang work ko. Since wala naman silang pasok dahil busy ang school para sa paghahanda sa gaganaping family day, sinama ko na siya. Sana lang hindi magalit si Thunder sa akin. Siguro naman maiintindihan niya ang gusto ng anak ko.

Pinatitinginan kami ng mga tao habang papasok kami sa building. Cute na cute sila sa anak ko. Syempre naman, maganda ang nanay kanino pa ba magmamana? Mabuti na lang at hindi nagmana sa mga hayop na lalaking 'yon! Hindi ko matatanggap kahit hindi ko nakita ang kanilang pagmumukha!

“Mommy, bakit po sila nakatingin sa atin?” Curious na tanong ng anak ko.

Nginitian ko siya. “Kasi curious sila kung kanino kang anak. Hindi ka pa nila nakikita rito, eh,” paliwanag ko sa kaniya.

Tumango siya at tumingin sa paligid. Kinawayan siya ng isang babae kaya kinawayan niya rin ito pabalik. Hindi ko alam na artistahin pala ang anak ko kapag pumunta rito. Agaw atensyo siya. Sabagay, ganito rin naman ako no'ng una akong pumunta. Ang kaso nga lang puro negative ang sinasabi sa akin hindi kagaya ng anak ko na todo papuri. Dapat lang naman na purihin nila ang anak ko! Hindi yata ako papayag na makarinig kahit katiting man lang na panlalait mula sa kanila. Baka buong pagkato nila laitin ko. Iba ang usapang anak sa usapang sarili ko. Kung may mahalagang image akong pinangangalagaan ayon ay ang image ng anak ko.

“Ang cute ng bata 'no?”

“May ka-mukha siya!”

“Baka anak nila ni Sir Timothy hindi lang nila sinabi na may relationship sila?”

“Oo nga 'no! Tignan mo naman ang kilay! Hawig na hawig kay sir Timothy!”

“Hindi ko alam na may anak na pala si Sir. Kaya naman pala sobrang hardworking niya.”

Natigilan akong bigla dahil sa bulungan nila. Saan naman nila nakuha ang gano'ng balita? Wala ngang kami ni Timothy. We're just good friend. Although palagi kaming magkasama pero hindi ibig sabihin no'n may relationship na kami. Tinignan ko ang anak ko. Anong sinasabi nila na magkamukha raw ang dalawa? Hamak naman na mas guwapo ang anak ko kaysa sa lalaking 'yon! Mana kaya sa akin ang anak ko.

“Keep that secret.”

“Why? Natatakot ka bang baka ipakulong ka niya?”

“Habang buhay mo bang gustong magpaka-bayani, huh?!”

“For Pete's sake! Nag-usap na tayong apat tungkol sa ganito! We already talk about that fucking dirty trip na hindi niyo na ulit gagawin hindi ba?!”

“Whatever happen, walang nangyari kagabi!”

“Wow, umaarte na namang hero ang kaibigan natin, oh!”

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Where stories live. Discover now